Wednesday, 28 November 2018

Nakaiwas Si Melchizedek Sa Bitag

Nakaiwas Si Melchizedek Sa Bitag

Isinalin ni: Cristina Dimaguila- Macascas
Sinuri nila: Camille Alcantara, Leyla Enriquez, Leigh Avecilla, Almeo Alejandro, Yram Basilio

                         

                       PAGKILALA SA MAY AKDA


Giovanni Boccaccio

 Sa panitikan ng Europa, kilala si Giovanni Boccaccio bilang isang mahusay na manunulat at iskolar na ang mga gawa ay may isang pangunahin at walang hanggang epekto sa ebolusyon ng mga panitikan sa Europa. Maaaring ang dahilang pagpapadala sa kanya ng kanyang ama sa Naples upang mag-aral ng negosyo at habang nalaman niya ang tungkol sa aristokrasya ng komersyal na mundo, gayundin ang kaguluhan at pyudalismo, ang nag-udyok upang maisulat ang akda.


                       URI NG PANITIKAN

Ginamit ng manunulat ang parabula upang ihayag ang turo ni Hesus tulad ng paggawa ng desisyon sa isang sitwasyon. Sa kayarian ng parabula, taglay nito ang elemento na tauhan, tagpuan, at banghay na simple ngunit may malalim na simbolo o sagisag.



LAYUNIN NG AKDA



Ang akda ay naglalayong magturo sa mambabasa na mas maganda na lamang na magsabi ng totoo kaysa manlinlang na pagmumulan pa ng kaguluhan.




PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN: 

  • Teoryang Humanismo- Mailalapat ang Teoryang Humanismo sa parabulang ito, Ang Humanismo ipinapakita sa akda na ang tao ang sentro ng mundo. Kinikilala bilang panukatan ng maraming bagay at pangyayari. Ito ang tatlong ebidensya na nagpapatunay na Humanismo ang parabulang Nakaiwas Si Melchizedek Sa Bitag. Una, nanggaling ito sa bibliya. Pangalawa, nakakuha rin ng magandang aral sa kuwentong ito ang aral sa istoryang binasa ay pagkakapantay-pantay ng tao sa mundo. Panghuli, nakakuha rin ng espiritwal na aral na maging pantay-pantay dapat palagi.
  • Teoryang Sosyolohikal
  • Teoryang Moralistiko

TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema ng parabula ay tungkol sa mga sumusunod: maging wais sa buhay o mapanuri, panlilinlang sa kapwa, at pagiging pantay at walang kinikilingan.




MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Ang mga pangunahing karakter ay sina Saladin at Melchizedek, Si Saladin na isang sultan na naubusan ng pera dahil sa digmaan, at si Melchizedek kilala sa pagiging kuripot at pagiging mayamang Hudyo. Ginamit ito ng may-akda upang ihayag ang tungkol sa pangyayari na panlilinlang at iparating sa mga mambabasa na maging wais at huwag agad magpahulog sa bitag.


Saladin

Melchizedek














TAGPUAN/PANAHON

Ang istorya ay naganp sa Salem at Alexandria sa panahon na Medieval. Matagal na panahon nang naisulat ang parabula ngunit ang nangyari dito'y maaari pa ring maganap muli.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Kapag binasa mo ang parabula, makikita mula sa pangkalahatang  pagtingin ay unti-unting mapagtatanto na ito ay hango sa mga turo ni Hesus at sa mga tala sa bibliya. May ilang pangyayari sa parabula na 'di karaniwan. Halimbawa, ang pagpapagawa ng 3 magkakaparehas ng singsing upang ibigay sa 3 anak, dahil kadalasan ay may 1 lamang na papaburan at maari ring pagmulan ito nang pag-aaway nila.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang mga sumusunod ay mga kaisipan o ideya na nakapaloob sa akda:
  • Hindi natin dapat linlangin o pagsamantalahan ang ating kapwa para sa sariling kagustuhan
  • Pantay-pantay dapat ang pagtingin o pagtrato sa tao kahit ano pa ang relihiyon nito
  • Hindi natin dapat nilalamangan ang ibang tao

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Sa pagbasa tila ito'y isang simpleng maikling kuwento lamang ngunit ng lumaon ito'y mas naging kapukaw-pukaw ng atensyon dahil sa mga paggamit ng ibang malalalim na salita at takbo ng istorya. Ito'y nanatiling maayos at naiintindihan sa kabila ng kapayakan na paggamit ng mga salita. Ang parabula na isinulat ng may akda ay maganda at maaaring tumugon sa panlasa ng mambabasa dahil na rin sa nilalaman, mga aral, at mahusay na pagkakalikha nito.

BUOD

Ang parabula ay tungkol sa isang sultan na nanlilinlang ng isang hudyo upang makahiram ng pera ngunit siya'y di nagtagumpay kaya naman mas maganda na lamang na magsabi ng totoo. Sa huli, naging matalik na magkaibigan pa rin sila.






Haring Midas

Haring Midas
Isang pagsususri nina Mendoza, Sosa, Hernandez, Martin, TolentinoIsinalin ni Vilma Alcantara — Malabuyok Mula sa librong "Mythology" ni Gng. Edith Hamilton

TUNGKOL SA MAY AKDA:




Si Edith Hamilton ay isang Amerikanang guro na nakilala sa buong mundo bilang isang magaling na manunulat ng mga librong nakilala dahil sa kanyang pagiging “classicist”. Nagtapos sya ng kolehiyo sa Bryn Mwar College at nakapag aral din sya sa Alemanya sa Unibersidad ng Liepzig at Unibersidad ng Munich. Ilan sa mga libro nyang tanyag sa mundo ay ang mga sumusunod: 

 “The Phrophets of Israel (1936)”
“Mythology (1942)”
At iba pa.






URI NG PANITIKAN:
Ang uri ng panitikan ng kwentong "Haring Midas" ay isang maikling kwento na isang Mito, sapagkat ating masisilayan at mahahagilap ang mga karakter ng mga Diyos na nagbigay ng mga pagsubok kay Haring Midas.




LAYUNIN NG AKDA:
Layunin ng askdang magturo sa mga mambabasa nito kung anong maaring kahinatnan ng isang taong hindi iniisip ang maaring kahinatnan o epekto ng kanyang mga kilos. Sa akdang ito ipinapakita na ang kamngmangan ng isang tao ang minsan o madalas ay syang nagpapahamak sa kanya.






PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:

Teoryang Sikolohikal at Teoryang Klasikal ang maaring mailapat sa kwentong ito dahil bilang isa itong mito, kahit kaila'y hindi kukupas ang storya nito at dahil sa ating masusuri ang iba't-ibang katangian ng karakter na si Haring Midas. 

Isang halimbawa nito ay ang kanyang kamangmangan sa pagpanig sa mas nakabababang Diyos na si Pan (Diyos ng Kasukalan at Kabundukan) sa halip na kay Apollo(Diyos ng Araw, Musika at Panggagamot.


TEMA O PAKSA NG AKDA:
Ang tema ng akda'y pagninilay bago gumawa ng mahahalaga man o maliliit na desisyon na sa huli'y ikaw ang mayroong responsibilidad.







MGA KARAKTER NG MITO:






 Dionysus (Diyos ng Alak)


- Nagbigay ng kapangyarihan kay Haring Midas matapos nitong makita at isauli ang kanyang tagapag-silbi na si Silenus matrapos itong mapadpad sa kanyang kaharian.


-Naging dahilan ng unang kamangmangan ng hari.



Apollo (Diyos ng Araw, Musika at Pangagamot)

-Diyos na kasama sa patimpalak sa musika na kalaban ni Pan (Diyos ng Kasukalan at Kabundukan)

-Nagalit kay Haring Midas nang hindi sya pinili nito sa kadahilanang wala siyang marinig.

-Binigyan si Haring Midas ng Tenga ng asno.







Haring Midas

- Mangmang na hari ng Phygria.

- Hindi nag-iisip bago kumilos.


- Ninanais lang na mas lalong yumaman ang kanyang kaharian.


- Nagtitwala sa mga maling tao.


TAGPUAN O POOK NG AKDA:



                        Kaharian ng Phrygia


- Kaharian ni Haring Midas

- Kung saan nakita si Silenus ng mga kawal ni Haring Midas 



Ilog Pactolus

- Kung saan hinugasan ni Haring Midas ang kanyang mga kamay upang m,awala ang kanyang kakayahang gawing ginto ang lahat ng kanyang mahawakan 


NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:

Ang kwentong ito ay matutring na isang klasik dahil sa kakayahan nitong masabayan ang pagbabagop ng panahon na dahil sa walang kupas na aral na matututunan sa akdang ito.

Ang mensaheng iniwan ng akda'y nagmamarka sa bawat mambabasa. Ang akda din ay nagpakita mula sa simula na sunod-sunod na pag-eengganyo sa iyo ng akda na halos nang-aakit gamit ang mga salita at kakatwang dala ng kamangmangan nang hari.


MGA IDEYA O KAISIPANG TAGLAY NG AKDA: 
Ang mga kaisipang nakapaloob sa kwento ni HaringMidas ang mga sumusunod:
  • Pag-iingat sa bawat hiling na binibitawan dahil sa maaring ito'y ikasama mo din.
  • Ang bawat desisyon ay dapat pagnilayan ng mabuti dahil sa pagninilay natin mapagtatanto kung ang gagawin ba nating aksyon ay patas lamang?
  • Ang pag-iingat sa pagsasabi ng iyong sikreto sa mga piling tao.




ESTILO NG PAGSUSULAT NG AKDA:
Ang estilo ng paggawa ng manunulat ng akdang ito'y hindi maipagkakalina na tunay na masining sapagkat ang bawat salita sa kanyang pagku-kuwento'y nagpipinta ng mga imahe sa pag-iisip ng madla.

Ang ginamit na perspektibo ng may akda ay wala sa kahit na kaninong karakter ang pokus, kundi sa paligid ng mga karakter na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng patas na pananaw sa lahat  ng angulo sa isang pangyayari.








BUOD NG KWENTO:

Sa kaharian ng Phrygia ay mayroong haring nais lamang lumago ang kanyang kayamanan ngunit dahil sa sunod-sunod na kamangmangan ng kanyang mga desisyon ay unti-0unting nanganib ang kanyang buhay. Mula sa muntikang pagkamatay dahil sa matinding gutom, hanggang sa pagpapalibing ng buhay dahil sa khihiyang dala ng kanyang mga desisyon na naging dahilan ng pagpili ng hari na mamatay na lamang kumpara sa pamumuhay sa kahihiyan at pagiging kakatwa sa harap ng maraming tao.



   


Talumpati sa Pagtanggap ng Nobel Prize para sa Literatura 2002


Talumpati sa Pagtanggap ng Nobel Prize para sa Literatura 2002

Isinalin ni Cristina Dimaguila- Macascas
Mula sa Hungary
Sinuri nila Chrissha Quinto, Ruefort Aguilar, Bryle Atienza, Brianna Gutierrez at Jheremy Ortiguero


  • PAGKILALA SA MAY-AKDA
Imre Kertesz
Si Imre Kertesz ay ang pinakaunang Hungarian na nakatanggap ng Nobel Prize para sa Literatura noong taong 2002. Nakamit niya ang gantimpalang ito dahil sa kaniyang pagsulat ng mga karanasan ng isang tao laban sa mga napakatrahedyang pangyayari noon. Ang kaniyang mga obra ay umiikot sa mga paksa ng Holocaust, diktadura at kalayaan. Ginamit niya ang kaniyang boses upang maibahagi ang kaniyang sariling katotohanan noong panahon ng Holocaust base sa karanasan.





  • URI NG PANITIKAN
Ang akdang isinulat ni Imre Kertesz ay isang talupati na kapupulutan ng aral. Ang mga damdaming naipadama ni Imre Kertesz dito unag-una ay ang kaniyang matinding takot sa nangyari, ngunit siya rin ay naging mapagpasalamat sapagkat siya ay nabuhay matapos ang nangyari.

TALUMPATI
"Ang talupati ay ang pag papahayag ng mga kaisipan tungkol sa isang mahalaga at napapanahong isyu sa paraang pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig."



  • LAYUNIN NG AKDA

Isinulat ni Imre Kertesz ito upang ibahagi ang kaniyang sariling karanasan. Layunin nitong magbahagi ng aral para sa makakabasa at makakarinig nito at ipaliwang ang kabalintunaan ng Holocaust.

Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan
" Nagsumikap ako- marahil hindi sariling panlilinlang upang masakatuparan ang tungkulin bilang nakaligtas sa Auschwitz na itinarak sa akin bilang isang obligasyon."

BAYOGRAPIKAL- Ekspresyon ng mga natatagong katotohanan na may kaugnayan sa buhay at karanasan ng awtor.
SOSYOLOHIKAL- Pinapakita ang ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at mga pwersa ng lipunan o umiiral sa kaniyang lipunan.

"Hindi kailanman magbabago ang aking opinyon na ang Holocaust ay dusa ng kabihasnang Europeo."

HISTORIKAL- Ang tauhan at pangyayari sa teksto ay kinikilalang mga kaganapan sa isang tiyak na panahon.


  •  TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng talumpati ay ang paggamit ng iyong mga karansan bilang isang leksyon na maaari mong gamitin para sa iyong pansariling benepisyo ng pagkatuto. Ito ay ang pagkilala sa mga biyaya sa kabila ng trahedyang pumapalibot sa iyo. Nais ipabatid ng talumpati na hindi makakatulong ang pagtikom ng iyong bibig sa sandaling nabuksan na ang iyong mga mata. Nais nitong ibahagi na kinakailangang gumawa ng iilang sakripisyo para sa ikabubuti ng mas nakararami.



  •  MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Tauhan sa talumpating ito ang mga biktima noong panahon ng Holocaust. Ngunit mas malaki ang naiambag ni Imre bilang pangunahing karakter sa sarili niyang talumpati. Malaking impluwensiya sa pagbuo ng talumpati ang pansariling karansan ni Imre noong mga panahong iyon. Matagal na panahon na ang lumipas mula noong naganap ang Holocaust ngunit mayroon parin itong kaugnayan sa kasalukuyan sapagkat hindi pa lubusang nalilimutan ng tao ang trahedya ng Holocaust.


  •  TAGPUAN/PANAHON 

Ang aming akda ay isang talumpati na isninasalaysay ni Imre Kertesz noong siya ay ay nakatanggap ng Nobel Prize. Bukod dito, nakapaloob sa nasabing talumpati ang panahon ng Holocaust. Ito ay nangyari dahil sa pagkamuhi ng mga Nazi sa mga Hudyo. Ang Holocaust ay isang genocide noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na pinamunuuan ni Adolf Hitler kung saan pinagpapapaslang ang iilang milyon na mga Hudyo, Jehova's Witness, homosexuals at marami pang iba.

  •  NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Sa pagbabasa namin ng talumpati ni Imre Kertesz, masasabi namin na ito ay isang pangyayari noon na isninasalaysay sa iabng anggulo o pananaw. Mula sa talumpati, malalaman natin ang pansariling karanasan ni Imre Kertesz at kung ano ang kaniyang nararamdamang mga emosyon noong Holocaust. Makikita natin ang unti-unting realisasyon ni Imre sa kung ano ang kaniyang maaaring gawin matapos ang trahedyang kaniyang natakasan.


  •  MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda ay ang mga sumusnod:

" Kahit na anong sama at pait ng iyong karanasan ay dapat
 na magpatuloy parin dahil ito ay mapapalitan rin ng mga aral 
na magagmit mo sa panghabang buhay."

"Huwag masyadong magmadali sa mga bagay-bagay dahil ang 
oras ay hindi na maibabalik at dapat itong pahalagahan."

" Kung may mga pagkakamaling nagawa, dapat itong 
magsilbing aral sa iyo upang hindi na ito maulit muli sa hinaharap."


  •  ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA
Sa talumpating ito, mabuting nailarawan ang mga pangyayari kung kaya't ramdam ng mga nakikinig ang tindi ng emosyon ni Imre Kertesz habang siya ay nagtatalumapti. Gumamit siya ng mga terminolohiya tulad ng "Mata ng Gorgon" upang mas mabigyan ng eksaktong deskripsyon ang mga salita base sa tunay niyang emosyon. Binuo niya ang talumapati bilang isang pagpapaliwanag sa Holocaust. Ginawa niya ang isang talumpati ng kaniyang pinagdaanan, napagdadaanan at maaari pang pagdaanan sa nalalapit na hinaharap.

  •  BUOD
Ang akda ay ukol sa karanasan ni Imre Kertesz at ang mensaheng nais niyang ipabatid sa mga nais na makinig. Tinuring niyang isang obligasyon ang pagkaligtas mula sa Holocaust dahil alam niyang kailangang malaman ng tao ang katotohanan. Pinahihiwatig din niya na ating nararanasan ang mga pangyayari dahil ito ay may dahilan na maaari natin gawing basehan sa kung papaano natin itataguyod ang pangaraw-araw nating pamumuhay.





Salamat sa Pagbabasa! =) 

Sintahang Romeo at Juliet

(Dula mula sa Inglatera ni William Shakespeare)


Isinalin sa Filipino ni Gregorio Borlaza



 PAGKILALA SA MAY-AKDA

 
William Shakespeare 

       Isang makatang Ingles, mandudula, at aktor, at malawakang kinikilala bĂ­lang pinakamahusay na manunulat ng wikang Ingles at preeminenteng dramaturgo ng mundo. Madalas siyang tinatawag na pambansang makata ng Inglatera, at tinaguriang "Bardo ng Avon". Sa edad na 18, pinakasalan niya si Anne Hathaway, at nagkaroon sila ng tatlong anak.

Bakit isinulat ni William Shakespeare ang “Sintahang Romeo at Juliet?”

        Walang nakakaalam ng tunay na rason kung bakit isinulat ni Shakespeare ang Romeo at Juliet. Ang dulang ito ay dapat na gagawing komedya ngunit pagdating sa wakas, naging trahedya na ang katapusan nito. Mayroong mga teorya kung bakit sinulat ni William Shakespeare ang akda. Isa na rito ang sinasabing malungkot daw siya sa pagpapakasal niya sa kanyang asawa na 8 taon ang tanda sa kanya na siyang nag-udyok na isulat ang trahedyang bahagi nito.

URI NG PANITIKAN



Isang eksena habang itinatanghal ang Romeo at Juliet


     Ginamit ni William Shakespeare ang dula. Ang dula ay isinulat upang itanghal. Ito ay nahahati sa mga yugto na humuhudyat ng paglaladlad ng telon sa pagtatanghal. Ang mga pangyayari sa dula ay isinasalaysay sa pamamagitan ng mga diyalogo.





LAYUNIN NG AKDA

     Imulat ang mga taong walang ganap na pag-intindi sa mga bagay. Tulad ng kwento nina Romeo at Juliet, ang kamatayan nila ang naging bunga ng hidwaang walang tigil sa pagitan ng dalawang pamilya. Nais niya ring ipabatid sa mga kabataan na hindi laging puno ng saya at kulay ang pagmamahalan, mayroon ding kasamang lungkot at pighati sa pag-iibigan.



MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


Teoryang Romantisismo

•Romantisismo – Kitang-kita sa dulang ito ang iba’t ibang mga paraan ng pagpaparamdam ng pagmamahal ng magkasintahan. Pag-ibig ang pinaka-paksa ng dula.

“Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling, dito, dito na ako tatahan” –Romeo

(Handang mamatay si Romeo upang makasama lamang ang kanyang mahal sa kabilang buhay)



   
Teoryang Klasismo

 •Klasismo – masasabing klasismo ito  sa parteng pagpapakita ng pag-iibigan ng magkasintahan na magkaibang estado ngunit masasabi rin itong hindi dahil hindi payak at hindi tinipid ang mga salita o diyalogo ng dula. 

“Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo! O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig, at hindi na ako magiging Capulet” –Juliet
 
(Ipinapakita rito ang mga balakid sa kanilang pagmamahalan ng dahil lamang sa kanilang mga pamilya)



Teoryang Eksistensyalismo

•Eksistensyalismo – nagdesisyon si Juliet na magpakasal kay Romeo para sa kanyang sariling kaligayahan. 

“Ako’y papakasal sa taong di pa man nanliligaw” –Juliet 

(Ipinahihiwatig na si Juliet ay nagdesisyon na magpakasal kay Romeo)






Teoryang Formalistiko

•Formalistiko – Tuwirang ipinahayag ni Shakespeare ang kanyang mensahe. Kahit mayroong mga simbolismo sa ilang mga diyalogo, madali naman itong intindihan at unawain. 

“Sapagkat wala pang makakasinlungkot ang naging buhay ni Juliet at ni Romeo na kanyang irog”

(Tuwirang ipinapabatid ni Shakespeare ang kanyang mensahe patungkol kina Romeo at Juliet)

TEMA O PAKSA NG AKDA


    Ito ay patungkol sa pag-ibig. Ang kanilang pag-ibig na hinahamak ng maraming pagsubok. Kahit na maraming humahadlang sa kanilang pagsasama, ipinaglaban nila ito hanggang kamatayan.  





MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

(Nabanggit lamang sa akda)

Ilang mga tauhan sa akda
•Romeo at Juliet – ang magkasintahang nagkaroon ng masaklap na wakas
•Tybalt – kapamilya ni Juliet
•Capulet – tiyo ni Juliet ayon sa aklat ngunit walang pangalan (pangalan ng pamilya ni Juliet)
•Montague – pamilya ni Romeo
•Nars – tagapangalaga ni Juliet
•Padre – tumulong kina Romeo at Juliet
•Baltazar – nagdala ng masamang balita kay Romeo
• Butikaryo – tagagawa ng lason.

Ang mga taong ito ay fictional lamang. Hindi totoo at likhang-isip lamang ni Shakespeare. Sila ang naging susi upang maging matagumpay ang dula. 

TAGPUAN/PANAHON




     Nabanggit sa unang tagpo na pupunta sa piging sa bahay ng mga Capulet sina Paris at Romeo.


    Sa ikalawang tagpo naman binanggit ang pagtatagpo sa bulwagan ng mga bidang karakter.


    Sa ikapitong tagpo inilahad ang pagdating ni Baltazar sa Verona kung saan naroroon si Romeo.

Opinyon:

     Ang mga tagpuan at kapanahunan na ito ay masasabi naming totoo at nangyayari sa totoong buhay. Mayroon namang mga pangyayari na di na ganong nagagawa sa panahon ngayon kaya’t masasabi naming luma na ang dula at ang estilo ng pagkakasulat nito.

NILALAMAN O BALANGKAS

Hindi naging magulo para sa amin ang dula. Naintindihan namin ito dahil sa simula pa lamang ay maayos at detalyadong ipinaliwanag ang mga pangyayari. Mas nagiging kasabik-sabik ang dula habang ito’y patapos na. Sa pamamagitan nito, napatunayan ni Shakespeare ang pagiging malikhain at pagiging organisado niyang tao sa pagsusulat ng dula. Ginamitan niya ito ng mga talinghaga upang mas mapa-isip ang mga tao at maakit sila. Ipinakita niya  na nananaig pa rin hanggang dulo ang tunay na pag-ibig na siyang nag-aayos sa lahat ng gusot.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA


•Ipaglaban kung ano ang ninanais ng puso ngunit gawin ito ng may respeto sa iyong sarili.
•Hahamakin ang lahat para sa pag-ibig.
•Dahil sa pagmamahalan nina Romeo at Juliet, nagbunga ito ng mga pagkakasundo ng kanilang mga pamilya na dati ay magkaaway.



ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Ilang mga diyalogo sa Romeo at Juliet
     


 Sa unang pagbasa’y mahirap intindihin ang mga diyalogo ng mga karakter ngunit kung hihimay-himayin ito ay maliliwanagan ka sa nais iparating ng may-akda. Mayroong mga diyalogong payak at mababaw ngunit noong ipinagsamasama ito ay nagkaroon ito ng iba pang kahulugan kaya’t masasabi naming masining at mahusay ang pagpili at pag-isip ng mga diyalogo. Kawili-wili itong basahin dahil nararamdaman mong kasapi ka rin ng dulang/diyalogong iyong binabasa. Tila ang dula at mambabasa ay nagkakaroon ng koneksyon dahil sa ginamit na mga salita.





BUOD



      Matagal nang may hidwaan ang mga pamilyang Capulet at Montague. Nagkita sa isang piging sina Romeo at Juliet na pawang mga kasapi ng magkaaway na pamilya. Sila’y agad na nangako na magpakasal. Natuloy ang kanilang pag-iisang dibdib. Dahil sa mga masasamang pangyayari, naipatapon si Romeo sa ibang lugar (Verona). Nakatakdang ipakasal si Juliet sa ibang lalaki kaya’t naghanap siya ng paraan at siya’y natulog ng mahabang panahon. Inakala ni Romeo na patay na si Juliet kaya’t uminom siya ng lason at namatay sa tabi ni Juliet. Nang magising si Juliet at nalaman na patay na si Romeo, sinaksak niya ang kanyang sarili. Nagkabati ang dalawang pamilya.