Friday, 25 January 2019

Araw na may Rebolusyon

Friday, january 25 2019

Paglisan
Isinalin sa Filipino ni:Cristina dumaguilasmacascas
Sinuri nila: Rence Alejandrino, Soon karl, Lucas Angela, Lesley Cruz, Trisha Guevarra




PAGKILALA SA MAY AKDA

Ang nagudyok sa kanya upang lumikha ng mga akdang may patungkol sa lipunan ay ang kanyang trabaho o posisyon dahil siya ay isang journalist. Nakikita at napapansin niya ang mga gusto niyang malaman natin ang nangyayari sa ating paligid .






 URI NG PANITIKAN


  • Ito ay isang sanaysay dahil parang inilalahad o ikinukwento niya ang laman ng nasa akda.





                                 Layunin ng may Akda
  • Layunin ng akdang ito ay mamulat at maliwanagan ang mga tao tungkol sa katiwaliang nagaganap sa pamahalaan ngayon at noon pa man . Ipinapakita satin ng akdang ito ang mga naganap sa mga protesta laban sa politika at pamahalaan.



PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:


REALISMO-
Noong Biyernes ‘” Ang Araw Ng Poot “ nasa kalye ako kasama ng mga nagproprotesta.
Ako at ang aking mga kaibigan ay Nakita sa mapayapang protesta na nagsimula sa Mosque ng Amir ibn al- ac sa old cairo.
Binalaan kami ng mga tao na huwag subukang dumaan sa metro station , at itinuro sa amin ang ibang ruta upang makatakas.



TEMA O PAKSA NG AKDA


Kapayapaan / Kalayaan , batay sa kwento nais ng mga tao na pakingan ang saloobin tungkol sa maling pamamalakad ng pamahalaan . Gusto nilang maging Malaya at makamit meapos ang mararapat na bataspara sa kanila . Hindi nila gusto ang pamamahala ng mga nakaupo dahil labag na ito sa kanilang gusto at hindi na makatao .



     MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

  • May akda sumulat
  • Kaibigang na may akda
  • mga pulis
  • diktador ng lusiana na si zine d abdine



TAGPUAN/PANAHON


Malawak na distrito ng captic dito nagsimula ang pagprotesta ng mga tao laban sa pamahalaan.






NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI


Ito ay hindi luma o gasgas na dahil para saamin ay minumulat tayo ng mga ganitong klase ng akda upang hindi tayo magbulagbulagan sa ating nakikita sa ating paligid at ang mga pangyayari sa akda ay may kaisahan sa pagkakalapit ng mga daloy ng istoriya ang aming natutunan sa akda ay magiging mulat ang mga mata at isip sa nangyayari sa pamahalaan at paligid.





MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA



Ang akdang nabasa ay maiuugnay sa katotohanang ang mga pangyayari sa akda ay nararanasan ng mga tao sa kasalukuyan . Ito ay labis na makatotohanan dahil hindi niya lang ito iniisip o ginagamitan ng maalikot na imahinasyon ngunit ito ay kanyang totoong naranasan at Nakita.




ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA



Epekto dahil ito ay pakwento o palahad angkop ito sa ating mga mambabasaa dahil ito ay nangyari sa totoong buhay. Walang bias na nagaganap sa estilo ng kanyang pagsulat inilahad niya lang talaga ang kanyang nasaksihan noong araw na iyon . Para saaming magkakagrupo ay tutugon ang akdang ito sa panlasa ng mambabasa at mamamayan dahil din sa akdang ito binabalaan, minumulat, at pinapakita satin ang nangyayari sa lipunan ating ginagalawan.




                                          BUOD

Ating matutungayan sa akda ang mga taong mapangabuso at mga taong naapi na ang ninanais lamang ay Kalayaan at hustisya sa kannilang buhay.




Bawal ang Anak na Lalaki

Friday, january 25 2019

Paglisan
    Sinuri nila- Rence Alejandrino, Soon karl, Lucas Angela, Lesley Cruz, Trisha Guevarra

 PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Aaron Shepard ay isang tanyag na manunulat ng The Legend of Lightning Larry, The Sea King’s Daughter, The Baker’s Dozen, at marami pang iba tulad ng mga pambatang libro. Ang kaniyang mga sulatin ay lumabas na rin sa Cricket at Australia’s School Magazine. Tanyag at kilala si Aaron sa pagbabaliksaysay o “retold” ng mga kuwentong bayan at tradisyonal na literatura ng iba’t ibang bansa sa buong mundo. Ang kaniyang mga gawa ay kinilala ng American Library Association, National Council for the Social Studies, the American Folklore Society, the New York Public Library, at ang Bank Street College of Education. Ang kaniyang mga istorya ay nababasa at kinikilala ng marami lalu na sa mga kabataan, matatanda at mga taong nag-aaral ng tradisyunal na literatura.



 URI NG PANITIKAN

Uri ng pampanitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtungalian ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di- kapanipaniwala.  

Layunin ng may Akda
Maari na maipapakita satin ng may akda na ang pagmamahal ay dapat nilalaan natin sa ating mga magulang kahit ano mang sakit na karanasan ang nadadanas natin sa kanila at para naman sa magulang ay dapat pantay-pantay pag tingin sa kanilang mga  anak .



PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:

  • Sikolohikal dahil sa pagbubukas ng akda sa tunay na kalakasan ng bida at ang tunay na pag uugali ni She-Mwindo sa kanyang lalaking anak. Pormalistiko dahil sa pagkakasunod sunod ng mga kaganapan at ang tamang paglalapat ng uri ng panitikan sa akda na syang nag bibigay kalinawan sa mga mambabasa. At Feminismo dahil sa nagaganap na diskirminasyon sa mga anak na lalaki upang maiwasan ng dote sa kanyang pakikipag isang dibdib.

  • Feminismo dahil sa nagaganap na diskirminasyon sa mga anak na lalaki upang maiwasan ng dote sa kanyang pakikipag isang dibdib.

  • Historikal dahil sa kalumaan ngunit hindi nalalaos na kabuuan ng kwento at ibang pang nakaka apekto sa akda, Humanismo dahil naipakita sa akda ang likas na kakayahan ng bida sa buong kwento at sentro ng akda ang mga tao.





TEMA O PAKSA NG AKDA

Sa aming pagsusuri ay ito’y makikita  rin natin na napapanahon dahil ito ay tungkol sa pagitan ng ama at anak . At masasabi din namin na ito ay makabuluhan dahil ito ay nangyari sa totoong buhay noon at ngayon pa man makukuhanan ito ng makabuluhang aral at pagpapahalaga ng relasyon ng ama at anak . pagasa at pagtanggap ito ang nakikita naming na aral sa epikong ito.

      MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

  • Mwindo- si Mwindo ang kaisa isang anak na lalaki ni She-mwindo pinapatay at ipiniaanod nya ito sa ilog sa kadahilang ayaw nya sa lalaking anak , si Mwindo ay nagtataglay ng kakaibang lakas. itinakwil at ipinapatay man sya ng kanyang ama ay sa huli nangibabaw parin sakanya ang pagmamahal.
  • She-Mwindo - Siya ang datu ng Tubondo may pitong asawa at ayaw sa anak na lalaki pinagutos nya na kung sya man ay may anak na lalaki ay itatakwil at ipapapatay nya ito. Ngunit sa huli ng balikan siya ng kanyang anak ay naisip nya na ang anak ay dapat pinapahalagahan at itunuturing na biyaya.
  • Tiya Iyangura- Ang kapatid na babae ni datu She-Mwindo ang kumopkop at nagalaga kay Mwindo.






TAGPUAN/PANAHON

  • Nayon ng Tubondo- Kung saan namumuno ang datu at ipinanganak si Mwindo.
  •  Ilog / Pampang- Kung saan pinaanod ang bariles na naglalaman ng sanggol na si Mwindo




NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI


 Simula:
 -May dakilang datu na nagngangalang She-Mwindo mula sa nayon ng Tubondo. Isang araw ay ipinatawag niya ang kanyang mga taga payo, pitong asawa at mga mamamayan na kaniyang nasasakupan. Inanunsyo ng datu na anak na babae lamang ang kanyang tatanggapin at kung magkagayon na magkaroon siya ng lalaking anak ay kaniya itong papatayin.

 Saglit na Kasiglahan:
-Sabay-sabay na nabuntis at naisilang ang anim na anak na babae. Nahuli sa paglabas si Mwindo at hindi inaasahang paglabas nito sa pusod ng kaniyang ina. Nagpakilala itong si Mwindo habang nagtatatakbo tangan ang isang conga.
        Tunggalian:
Hindi lumabas agad ang anak na si Mwindo sa kadahilanang hindi siya katanggap tanggap para sa kaniyang ama. Nasaksihan ng datu ang kakaibang sanggol na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi kaya’t sinibat niya ito. Hindi tinamaan ang sanggol, lahat ng paraan upang mapatay ito ay hindi naging posible tulad ng paglilibing at pagpapaanod sa ilog. Pumunta si Mwindo sa kanyang Tiya Iyangura at doon ay tinanggap siya.

Kasukdulan:
Lumaki si Mwindo at nagbalak na kalabanin ang kaniyang ama. Isinama niya sa nayon ang mga tagapagsilbi, mga musikero, at isang tambulero. Umawit at sumayaw sila na pinangunahan ni Mwindo. Nagpakilala ito na ikinagulat ng kaniyang ama. Inutusan ni She-Mwindo na sibatin si Mwindo ngunit hindi ito natamaan. Sinubukan siyang gapiin sa pamamagitan ng sibat at pagdaluhong sa kaniya ngunit ang conga ang nagpatumba sa mga tauhang kalalakihan

Kakalasan:
Nagtagumpay si Mwindo sa pagsubok sa kaniyang ama. Tumakas ang kaniyang ama ngunit tumakbo siya ng mabilis upang mahabol niya ito. Nahabol at nahuli niya ang kaniyang ama sa pag-aakala nitong ito na ang kaniyang katapusan.
  
 Wakas:
-Bumalik sa nayon si Mwindo at ang kaniyang ama. Nagkapatawaran ang mag-ama at tinanggap ng Datu ang anak na si Mwindo. Naging masaya ang lahat na makita sila at napagtanto ng amang datu na dapat pahalagahan ang anak, babae man o lalaki dahil bawat isa ay biyaya at isang kahanga-hangang anak na lalaki si Mwindo.



MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA


  • Ang pagkakaroon ng kaugalian ng mga taga Congo na Polygyny o pagkakaroon ng maraming asawa ng lalaki.
  • Ang polygyny ay pinapayagan sa batas ngunit ang polyandry o pag-aasawa ng marami ng isang babae ay ipinagbabawal.
  • Mayroong tinatawag na bride price o pagbibigay ng malaking halaga ng pera ng pamilya ng lalaki upang maikasal sa anak na babae. Tinatawag na dowry sa ibang kultura, tulad ng dote sa Pilipinas.
  • Ang pagiging makapangyarihan at kakaibang sanggol ni Mwindo ang naging susi para mapatunayan na hindi dahilan ang pagiging lalaki para siya’y hindi matanggap ng kaniyang ama.


ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA


  • Ang akda ay mayroong istilo sa pagsulat ng epiko kung saan nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran ni Mwindo at paraang patula sa parte ng pagpapakilala at pagpapahayag ni Mwindo.



BUOD

May dakilang datu na nagngangalang She-Mwindo mula sa nayon ng Tubondo. Isang araw ay ipinatawag niya ang kanyang mga taga payo, pitong asawa at mga mamamayan na kaniyang nasasakupan. Inanunsyo ng datu na anak na babae lamang ang kanyang tatanggapin at kung magkagayon na magkaroon siya ng lalaking anak ay kaniya itong papatayin. Sabay-sabay na nabuntis at naisilang ang anim na anak na babae. Hindi lumabas ang anak na si Mwindo dahil sa hindi siya katanggap tanggap para sa kanyang ama. Nasaksihan ng datu ang kakaibang sanggol na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi kaya’t sinibat niya ito. Hindi tinamaan ang sanggol, lahat ng paraan upang mapatay ito ay hindi naging posible tulad ng paglilibing at pagpapaanod sa ilog. Pumunta si Mwindo sa kanyang Tiya Iyangura at doon ay tinanggap siya. Si Mwindo ay lumaki at nagbalak na kalabanin ang kaniyang ama. Sinubukan siyang gapiin sa pamamagitan ng sibat at pagdaluhong sa kaniya ngunit ang conga ang nagpatumba sa mga tauhang kalalakihan. Tumakas ang kaniyang ama ngunit hinabol niya ito. Ipinahayag ni Mwindo na hindi niya papatayin ang kaniyang ama. Nagkapatawaran ang mag-ama at tinanggap ng Datu ang anak na si Mwindo.