Paglisan
Sinuri nila- Rence Alejandrino, Soon karl, Lucas Angela, Lesley Cruz, Trisha Guevarra
PAGKILALA SA MAY AKDA

URI NG PANITIKAN

Layunin
ng may Akda

PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:
- Sikolohikal dahil sa pagbubukas ng akda sa tunay na kalakasan ng bida at ang tunay na pag uugali ni She-Mwindo sa kanyang lalaking anak. Pormalistiko dahil sa pagkakasunod sunod ng mga kaganapan at ang tamang paglalapat ng uri ng panitikan sa akda na syang nag bibigay kalinawan sa mga mambabasa. At Feminismo dahil sa nagaganap na diskirminasyon sa mga anak na lalaki upang maiwasan ng dote sa kanyang pakikipag isang dibdib.
- Feminismo dahil sa nagaganap na diskirminasyon sa mga anak na lalaki upang maiwasan ng dote sa kanyang pakikipag isang dibdib.
- Historikal dahil sa kalumaan ngunit hindi nalalaos na kabuuan ng kwento at ibang pang nakaka apekto sa akda, Humanismo dahil naipakita sa akda ang likas na kakayahan ng bida sa buong kwento at sentro ng akda ang mga tao.
TEMA O PAKSA NG AKDA

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
- Mwindo- si Mwindo ang kaisa isang anak na lalaki ni She-mwindo pinapatay at ipiniaanod nya ito sa ilog sa kadahilang ayaw nya sa lalaking anak , si Mwindo ay nagtataglay ng kakaibang lakas. itinakwil at ipinapatay man sya ng kanyang ama ay sa huli nangibabaw parin sakanya ang pagmamahal.
- She-Mwindo - Siya ang datu ng Tubondo may pitong asawa at ayaw sa anak na lalaki pinagutos nya na kung sya man ay may anak na lalaki ay itatakwil at ipapapatay nya ito. Ngunit sa huli ng balikan siya ng kanyang anak ay naisip nya na ang anak ay dapat pinapahalagahan at itunuturing na biyaya.
- Tiya Iyangura- Ang kapatid na babae ni datu She-Mwindo ang kumopkop at nagalaga kay Mwindo.
TAGPUAN/PANAHON
- Nayon ng Tubondo- Kung saan namumuno ang datu at ipinanganak si Mwindo.
- Ilog / Pampang- Kung saan pinaanod ang bariles na naglalaman ng sanggol na si Mwindo
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Simula:
-May dakilang datu na nagngangalang She-Mwindo mula sa nayon ng Tubondo.
Isang araw ay ipinatawag niya ang kanyang mga taga payo, pitong asawa at mga mamamayan na kaniyang nasasakupan. Inanunsyo ng datu na anak na babae lamang ang kanyang tatanggapin at
kung magkagayon na magkaroon siya ng lalaking anak ay kaniya itong papatayin.
Saglit na Kasiglahan:
-Sabay-sabay na nabuntis at naisilang ang anim na anak na babae. Nahuli sa paglabas si Mwindo at hindi inaasahang paglabas nito sa pusod ng kaniyang ina. Nagpakilala itong si Mwindo habang nagtatatakbo tangan ang isang
conga.
Tunggalian:
Hindi lumabas agad ang anak na si Mwindo sa kadahilanang hindi siya katanggap tanggap para
sa kaniyang ama. Nasaksihan ng datu ang kakaibang sanggol na naglalakad, nagsasalita at nakaiintindi kaya’t sinibat niya ito.
Hindi tinamaan ang sanggol, lahat ng paraan upang mapatay ito ay hindi naging posible tulad ng paglilibing at pagpapaanod sa ilog. Pumunta si Mwindo sa kanyang Tiya Iyangura at doon ay tinanggap siya.
Kasukdulan:
Lumaki si Mwindo at nagbalak na kalabanin ang kaniyang ama. Isinama niya sa nayon ang mga tagapagsilbi, mga musikero, at isang tambulero. Umawit at sumayaw sila na pinangunahan ni Mwindo. Nagpakilala ito na ikinagulat ng kaniyang ama. Inutusan ni She-Mwindo na sibatin si Mwindo ngunit hindi ito natamaan. Sinubukan siyang gapiin sa pamamagitan ng sibat at pagdaluhong sa kaniya ngunit ang
conga ang nagpatumba sa mga tauhang kalalakihan.
Kakalasan:
Nagtagumpay si Mwindo sa pagsubok sa kaniyang ama. Tumakas ang kaniyang ama ngunit tumakbo siya ng mabilis upang mahabol niya ito. Nahabol at nahuli niya ang kaniyang ama sa pag-aakala nitong ito na ang kaniyang katapusan.
Wakas:
-Bumalik sa nayon si Mwindo at ang kaniyang ama. Nagkapatawaran ang
mag-ama at tinanggap ng Datu ang anak na si Mwindo. Naging masaya ang lahat na makita sila at napagtanto ng amang datu na dapat pahalagahan ang anak, babae man
o lalaki dahil bawat isa ay biyaya at isang kahanga-hangang anak na lalaki si Mwindo.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
- Ang pagkakaroon ng kaugalian ng mga taga Congo na Polygyny o pagkakaroon ng maraming asawa ng lalaki.
- Ang polygyny ay pinapayagan sa batas ngunit ang polyandry o pag-aasawa ng marami ng isang babae ay ipinagbabawal.
- Mayroong tinatawag na bride price o pagbibigay ng malaking halaga ng pera ng pamilya ng lalaki upang maikasal sa anak na babae. Tinatawag na dowry sa ibang kultura, tulad ng dote sa Pilipinas.
- Ang pagiging makapangyarihan at kakaibang sanggol ni Mwindo ang naging susi para mapatunayan na hindi dahilan ang pagiging lalaki para siya’y hindi matanggap ng kaniyang ama.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
- Ang akda ay mayroong istilo sa pagsulat ng epiko kung saan nagsasalaysay ng mga pakikipagsapalaran ni Mwindo at paraang patula sa parte ng pagpapakilala at pagpapahayag ni Mwindo.
BUOD

No comments:
Post a Comment