Wednesday, 26 December 2018

Paglisan

Paglisan

Isinalin sa Filipino ni: Julieta Rivera
Sinuri nila: Camille Alcantara, Leyla Enriquez, Leigh Avecilla, Almeo Alejandro, Yram Basilio

                         

                       PAGKILALA SA MAY AKDA


Albert Chinualumogu Achebe

 Si Albert Chinualumogu Achebe ay isinilang noong Nobyembre 16, 1930 sa Ogidi, sa isang maliit na nayon. Siya ay isang Nigerian Novelist, Poet, Professor at Critic. Ang “Things Fall Apart” ay itinakda noong 1890s Naglalarawan ng pag-aaway sa pagitan ng puting kolonyal na pamahalaan ng Nigeria at ng tradisyunal na kultura ng mga katutubong katutubong Igbo. Ang nobelang Achebe ay nagpaputok sa mga stereotypical European portraits ng mga katutubong Aprikano. Maingat niyang isalarawan ang mga kumplikado, advanced na mga institusyong panlipunan at artistikong tradisyon ng kultura ng Igbo bago makipag-ugnayan sa mga Europeo. Ngunit siya ay tulad ng maingat na hindi stereotype ang Europeans; Nag-aalok siya ng iba't ibang paglalarawan ng puting tao, tulad ng karamihan sa mabait na si Ginoong Brown, ang masigasig na Reverend Smith, at ang walang habas na pagkalkula ng Komisyoner ng Distrito.

                       URI NG PANITIKAN


Nobela ang akdang pampanitikan na ginamit ng may akda dahil ito'y may masusing paglalahad ng mga pangyayari, masinop at masining na pamamaraan upang maging kapana-panabik sa mga mambabasa ang teksto.



LAYUNIN NG AKDA



Ang akda ay naglalayong magturo sa mambabasa na mas maganda na lamang na gawin mo na ang iyong dapat gawin o nais upang walang pagsisisihan sa huli na ikabibigat lamang ng iyong loob, at malugmok ka man ngayon tiyak na isang araw ay ika’y muling makakabangon at higit sa lahat mahalin natin ang sarili nating buhay.






PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN: 

  • Teoryang SosyolohikalMailalapat o magagamit ang Teoryang Sosyolohikal sa pagsuri nito dahil naipamalas nito ang kultura ng mga Nigerian noong panahon na iyon.
  • Teoryang Realismo- Naipamalas nito ang katotohanan sa pagiging gutom sa kapangyarihan ng ibang tao.
  • Teoryang Moralistiko- Tinuro sa atin ng akda ang mga maaaring maganap kung gagawin o gagayahin natin ang ginawa ng bida.
  • Teoryang Sikolohikal- Sapat na dahilan ang kanyang mga karanasan sa mga bagay na nagawa niya at nag-udyok sa kanya na gawin ang mga iyon.
  • Teoryang Eksistensyalismo- Ang bida’y nagkaroon ng pagkakataon na pumili ng kanyang sariling desisyon.
  • Teoryang Dekonstrusyon- Hindi inaasahan ang naganap na pangyayari sa dulo sapagkat hindi pangkaraniwan na hindi nagtagumpay ang isang bida.


TEMA O PAKSA NG AKDA


Ang tema ng nobela ay tungkol sa mga sumusunod: iba't iba ang paniniwala ng mga tao sa pagsamba at lahat ng bagay ay may kaniya kaniyang katapusan.




MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

Ang mga pangunahing karakter ay sina:

Okonkwoisang matapang at respetadong mandirigma na nagmula sa lahi ng mga umuofia 

Amalinze

Unoka 

Ikemefuna 

Ogbuefo ezeudu

Obierika

Izinma

Mbanta
Uchendu
Abame
G. Kiaga
G. Brown
Rev. James smith
Enoch



TAGPUAN/PANAHON




Ang istorya ay naganp sa Umuofia kung saan dito nanggaling si Okonkwo at Mbanta ang lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina.





NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI



Hindi ito nakasanayan ng mga Pilipino dahil hindi naging maganda ang wakas ng nobelang ito. May mga pangyayari na hindi pangkaraniwan kagaya ng pagpatay niya sa kanyang itinuturing niyang anak sa harap ng kanyang mga ka-tribo at si Okonkwo ay nagpatiwakal.


MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang mga sumusunod ay mga kaisipan o ideya na nakapaloob sa akda:
  • Pagmamahal sa kanyang nasasakupan at sa kababayan.
  • Ang pagpatay ay hindi isang dahilan para mapatunayan ang pagkalalaki ng isang tao.
  • Pagisipan muna kung tama ba o karapat-dapat ba itong gawin o hindi.
  • Huwag mong kyutyain o baguhin ang kultura o relihiyon ng ibang tao.

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA



Kung babasahin ay tila isang ordinaryong nobela lamang ito ngunit ang mga nilalaman nito ay maganda at may kapu-pulutang mga aral.  Ang akda din na naipakita ay nagpapakita ng mga suliranin o problema na naganap, nagaganap at maari pang maganap katulad ng pagkitil o pagpatiwakal ni Okonkwo o ang pagiging makasarili ni Okonkwo at sa kagustuhan nyang maging matapang sa mata ng tao. Hindi pangkaraniwan ang pagkasulat ng may akda sapagkat sa una hanggang gitna ay maganda pa ang takbo nito ngunit ng lumaon o habang papalapit sa katapusan  ay mas nagkakaroon pa ng problema si Okonkwo ang bida.


BUOD

Ang nobela ay tungkol kay Okonkwo isang matapang at respetadong mandirigma mula sa Umuofia. Si Okonkwo ay maraming pagsubok na hinarap sa kanyang buhay simula noong matalo niya sa isang labanan si Amalinze at kinilala ang kanyang katapangan. Pinamahalaan niya ang siyam na nayon bilang patunay na naiiba siya sa kanyang Ama, Iniligtas niya ang batang si Ikemefuna na kalaunan ay siya rin mismo ang pumatay, Napatay niya ang anak ni Ezeudo dahilan para siya ay umalis at magtungo sa Mbanta. Lumipas ang panahon at may mga dumating na misyonero sa Mbanta at dinala ang relihiyong Kristyanismo.  Pinatay ni Okonkwo ang pinuno ng mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya dahil sa pagaakalang nais ng kanyang kaangkan na maghimagsik at napagtanto niya na hindi handa ang kanyang angkan sa isang giyera at nang dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito  siya ay natagpuan nakabitin.








No comments:

Post a Comment