Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota:
Isang pagsusuri sa akda ni M.Saadat Nouri
Mula sa salin sa filipino ni Gng. Marina Gonzaga-Merida
Tungkol sa May Akda:
Si Mullah Nassr-E Din o Nasserdin Hodja ay isang pilosopo noong bangdang ika-13 siglo. Pinaniniwalaan na ang kanyang sinilangang bayan ay matatagpuan ngayon sa bayan ay matatagpuan ngayon sa bansang Turkey. Kilala si Naserddin dahil sa kanyang mga nakatutuwang mga kwento at anekdota. Sinasabing siya'y may matalas na pag-iisip, ngunit palagi rin siyang pinagbibiruan.
Uri ng Panitikan:
Anekdota
Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawan ng mga pagpaliwanag sa mga ginagawa ng tao.
Mga Elemento ng Anekdota:
Abstrak – ito ay pagpapakilala sa anekdota na nagbibigay ng kinakailangang konteksto.
Oryentasyon — Ito ay naglalarawan sa eksena ng kUwento at pagtukoy kung kailan ito naganap at sino ang mga tauhang sangkot.
Tunggalian — ito ang pangunahin at pinakamahalagang pangyayari ng kuwento na ginagawang katawag-tawag ng pansin at kawili-wili ang anekdota.
Resolusyon – ito ang katapusan at kung paano Humantong sa wakas ng kuwento.
Coda — ito ang hudyat na ang kuwento ay Tapos na at ibinabalik ng tagapagkuwento ang tagapakinig sa kasalukuyan.
Ebalwasyon — ito ay paglalahad ng tagapagkuwento ng mahalagang puntos sa anekdota at ang dahilan bakit ito ay mahalagang ikuwento.
Layunin ng Akda:
Ang layunin ng akda ay magbigay ng katatawanan at bigyan ang mambabasa ng mga palaisipan sa bawat tapos ng isang anekdota.
Ito ay tungkol sa kuwento at magbigay ng kawilihan at mag-iwan ng aral ukol sa isang magandang karanasan at sa iilan ay nagsaad din ng personal na karanasan
Bayographical – Sa kwento ay may nailalahad na ilang bahagi ng manunulat ay sinasalamin ng akda ang katauhan ng manunulat
Sikolohikal – Dahil sa kwento nagbago ang ugali ng may akda na nagpabago sa ugali nito
Tagpuan ng Akda:
"Sukatin Mo!"
* ito ay naganap sa isang teahouse. Dito naganap ang usapan ng dalawang tauhan ng kwento na sina MND at ng isang di kilalang tauhan na hindi nabanggit sa kwento.
"Sino ang iyong paniniwalaan"
*Dito ay naganap sa tarangkahan ng bakuran ni MND. Dito naganap ang usapan nina MND at ang kanyang kapitbahay.
Nilalaman ng Akda:
Ang nilalaman ng akda ay kakaiba sa mga anekdotang nabababasa sa bawat sulok ng mundo dahil sa paggamit nito ng pagka-sarkastiko o pilosopo ng pangunahing tauhan sa kanyang mga kadayalogo.
Tema ng Akda:
Ang tema ng mga anekdota ni Mullah Nasserddin ay nagtatagalay ng mga nakakatawa at pagiisipang mga kuwento nagiiwan ng mga mabubuting aral sa huli. Binubuo rin ito ng isa sa mga di-pangkaraniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika, isang bahagi ng pilosopiya na tungkol sa pagunawa sa buhay kaalaman.
Tauhan sa Akda:
Si MND bilang tauhan sa kwento ay may kakayahan magpatawa. Ang kanyang mga sagot sa mga taong nagtatanong sa kanya ay malalalim na sagot na mapapaisip pa ang mga ito. Kapag iyong iintindihin mabuti ang kanyang sagot ay may matutunan na aral.
Buod ng Akda:
Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
Estilo ng May Akda:
Ang estilo ng pag sulat ay masasabing epektibo sapagkat ito ay naging sikat at tinangkilik ng mga mambabasa.
Nakukuha nito ang atensyon at nagbibigay ng kasiyahan sa mga mambabasa nito kaya ito ay isang masasabing masining na akda.
Kaisipang Taglay ng Akda:
Ang kaisipiang taglay o ideyang taglay ng akda sa “Sukatin mo!” ay praktikal.
Mababasa mo sa akda siya ay isang mangkukwento ng katatawanan na ang sinasabi ay pawang kalokohan lamang ngunit pinangangatawanan niya ito sa totoong buhay.
No comments:
Post a Comment