Awit ng Ina sa Kaniyang Panganay: Awitin ng Panghele ng mga taga-Didinga/Lango
Salin sa ingles ni JACK H. DRIBERG
Salin sa Filipino ni MARINA GONZAGA-MERIDA
Salin sa ingles ni JACK H. DRIBERG
Salin sa Filipino ni MARINA GONZAGA-MERIDA
PAGKILALA SA MAY AKDA
Jack Herbert Driberg -ipinanganak noong Abril 1888 at pumanaw noong ika-5 ng Pebrero taong 1946. Isa siyang anthropologist mula sa Britanya. Nagtrabaho sa Uganda Protectorate taong 1912 at lumipat sa Anglo-Egyptian Sudan kung saan sya nanatili hanggang 1925.

URI NG PANITIKAN
TULA- isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay,hinango sa guni-guni, pinaparating sa ating damdamin at ipinapahayag sa salitang may ka aliw-aliw.
Mga Elemento:
Sukat-tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtodna bumubuo sa isang saknong.
Saknong-isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o marami pang linya.
Tugma-ang huling pantig ng bawat salita ay magkakatugma.
Karikitan-mga maririkit na salita na nagbibigay ng buhay sa tula.
Talinhaga-mga malalim na salita.

LAYUNIN NG AKDA
Nilalayon nito na maipakita
na ang mga ina ay talagang natatangi. Mataas at naparami ng mga pangarap nila para sa kanilang mga anak at kung gaano sila nagsasakripisyo para sa kanilang anak. Pinapakita rin dito na wala silang ibang hinangad kundi kabutihan lamang para sa kanilang anak.
TEORYANG PAMPANITIKAN
BAYOGRAPIKAL- Maaring naging karanasan ito ng sumulat na magkaroon ng inang pinapakita sa kanya ang pagmamahal nito.
HUMANISMO – naipapakita dito ang kakayahan ng tao na magmahal ng anak nila ikaw man ay ina o anak.
TEMA
Ang tema ay nakatuon sa pagpapahalaga ng pag-aalaga at pagmamahal ng isang ina sa kanyang panganay na anak at pagiging matatag sa mga problemang haharapin at buong pusong pagtupad ng kanyang obligasyon at mga kailangan para sa pag-aaruga at pagmamahal ng kaniyang panganay.
TAUHAN
Ang INA ang pangunahing tauhan ipinapakita dito ang pagpapahalaga at pag-iingat ng ina sa kanyang anak.
Ang PANGANAY na anak dito linalabas ng buong puso ng ina ang kanyang pagmamahal.
NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI
Kapag binasa mo ang tula’y makikita mo ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Makikita ang pagiging isang suportadong ina na natutuwa sa nangyayari sa kaniyang anak.
Kapag binasa mo ang tula’y makikita mo ang pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Makikita ang pagiging isang suportadong ina na natutuwa sa nangyayari sa kaniyang anak.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Mga ideya sa akda:
- Ang isang ina ay mamahalin at susuportahan ang kanyang anak sa desisyon nito sa buhay.
- Bilang isang ina, ipagmamalaki mo ang iyong magiging anak sa abot ng iyong makakaya
ESTILO NG PAGSULAT
Ang paggamit ng matatalinhagang salita ang naging estilo ng may akda sa pagsulat ng tula. Epektibo ang naging pamamaraan nya sapagkat mas nagiging malawak ang pag-iisip ng mamababasa. Masining ang pagkakagawa at ito’y kakaiba. Nagtataglay din ito ng kahusayan na nagbibigay ng interes sa mga mambabasa.
BUOD
Sa umpisa ng kwento ay ang pag-alala ng ina sa mga panahong ang kanyang anak ay maliit pa hanggang sa ito’y lumaki na at nagsimulang tuparin ang kaniyang tungkulin. Pinakita sa tula na sa lahat ng laban ng kaniyang anak ay suportado ito ng kaniyang ina at pinagmamalaki niya ang kanyang panganay na anak.
No comments:
Post a Comment