Monday, 17 December 2018

Buod ng El Filibusterismo

                   EL FILIBUSTERISMO


Pagkilala sa may Akda

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang pambansang bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at si Gng. Teodora Alonzo. Isinulat ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang ikalawang nobela na El Filibusterismo noong Oktubre 1887 at nailimbag ito noong 1891. Isinulat niya ito para ialay sa tatlong paring martir na GOMBURZA. Gayundin, isinulat niya ito upang mabigyan ng kalinawanagan ang kaisipan ng mga mambabasa sa mga nangyaring katiwalian, pang-aabuso, at pagmamalupit noong panahon na iyon. 

Uri ng Akda

Ang El Filibusterismo-- tulad ng Noli Me Tangere-- ay isang uri ng Nobela. Ang nobela ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. 


Elemento ng Nobela 
1. Tagpuan- lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Tauhan- nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. Banghay- pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
4. pananaw- panauhang ginagamit ng may akda
    a. una- kasali ang may akda
    b. pangalawa- ang may akda ang nakikipag usap
    c. pangatlo- batay sa nakikita o obserbasyon ng may akda
5. Tema- paksang-diwang binibigyang diin sa nobela
6. Damdamin- nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. Pamamaraan- istilo ng manunulat 
8. Pananalita- diyalogong ginagamit sa nobela
9. Simbolismo- nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan 

Layunin ng Akda

Ang nobelang El Filibusterismo o ang Paghahari ng Kasakiman ay isinulat ni Jose Rizal upang ihandog para sa tatlong paring martir, na siyang naging pangunahing dahilan kung bakit ito itinuring na isang nobelang Politikal. Makikita sa El Filibusterismo na ang pagiisip ni Rizal ay napunta na sa pagiging rebolusyon mula sa pagiging repormista.

Teorya
Ang isa sa mga teorya ng El Filibusterismo ay
HUMANISMO dahil ang teoryang ito ay nagbibigay pansin sa tao, at sa istorya, ang mga tauhan ng Pilipinas ang binibigyang pansin. Ang ikalawang teorya na nakapaloob sa El Filibusterismo ay ang REALISMO, dahil ang Realismo ay nagpapakita ng mga pangyayaring maaaring mangyari na rin sa buhay, at ang mga ito ay makikita sa istoryang binasa.

Tema
Ang tema ng El Filibusterismo ay pampolitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng bayan. 

Tauhan
SIMOUN- ang mayamang mag-aalahas na nakasalaming may kulay, umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway.
ISAGANI- ang makatang kasintahan ni Paulita, pamangkin ni Padre Florentino
BASILIO- ang mag-aaral ng medisina at kasintahan ni Juli
KABESANG TALES- ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinaka na inaangkin ng mga prayle
TANDANG SELO- ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang sarili apo
SENYOR PASTA- ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal
BEN-ZAYB- ang mamamahayag sa pahayagan
PLACIDO PENITENTE- ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag aral sanhi ng suliraning pampaaralan
PADRE SALVI- ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego

Tagpuan
Ang mga tagpuan sa buod ng El Fili ay ang mga sumusunod,
una ay ang Bapor Tabo kung saan pinakilala ang ilang tauhan sa nobela. Sunod ay ang kumbento ng Santa Clara kung saan nandoon si Maria Clara, tinangkang pasukin ito ni Simoun ito ngunit hindi ito natuloy. Sunod ay ang ilog, dito hinagis ni Isagani ang lamparang may granada na bigay ni Simoun. Huli, ay ang dagat. Dito nagwakas ang nobela, dito hinagis ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun 

Nilalaman
Kung babasahin ang nobela, umiikot ito sa balak na paghihiganti ni Simoun at pagligtas niya dapat Maria Clara. May mga matutununan din sa nobelang ito kung iintindihin natin.

Estilo
Epektibo ang estilo ng pagkakasulat na ginamit ni Jose Rizal sa pagkakabuo ng El Filibusterismo. Dahil naipahatid niya sa mga Pilipino ang mensaheng nais niyang mangyari o maiparating. Tila naging pangalawang bahagi din ito ng Noli Me Tangere dahil mayroong pagkakapareho ang bawat karakter kaya magpasa hanggang ngayon, maraming mga mambabasa ang interesado pa ring basahin ang dalawang akda ni Jose Rizal.

Buod
Tinalakay ng Buod ng El Filibusterismo na aming nabasa ang nangyari kay Crisostomo Ibarra (ngayo'y nasa katauhan ni Simoun) sa kanyang pagbabalik dito sa PIlipinas. Tinatalakay din ng El Fili ang nais ni Ibarra na maipaghiganti si Maria Clara dahil sa pagkamatay nito sa loob ng kumbento.







No comments:

Post a Comment