Tuesday, 18 December 2018

Liongo

(Mito mula sa Kenya)


Isinalin sa Filipino ni Marina Gonzaga-Merida



 

PAGKILALA SA MAY-AKDA

Dr. Jan Knappert

    Si Dr. Jan Knappert ay isang kilalang eksperto sa Swahili language. Siya din ay isang Esperantist, at sinulat niya din ang Esperanto-Swahili dictionary.
Si Knappert ay nag-translate din ng napakaraming literatura at historikal na gawa galing sa mga Swahili; katulad na lang ng Utendi wa Tambuka ("The Epic of Heraklios"), isa sa pinakamatanda at kilalang epikong tula ng swahili.


Bakit isinulat/isinalin ni Dr. Jan Knappert ang “Liongo?”

Marina Gonzaga-Merida
(nagbuod)
      Walang tunay na nakakaalam kung sino ang ang totoong nag-sulat ng Liongo isinalin lamang ito ni knappert dahil sa nakakaintindi ito ng swahili language, na isinalin naman ni Roderic P. Urgelles ,ang sumalin ng Liongo sa Filipino, Na ibinuod ni Marina Gonzaga-Merida.

      Ang pagsasaling wika ay isang napakahalagang bagay upang lubusang maipaintindi ang isang ideya sa isang nagsasalita ng ibang wika. Mayroon tayong patnubay o gabay sa pagsasalin ng wika. Nararapat na isaalang-alang ang orihinal na bersiyon at maging maingat ang pagsasalin nito. Dapat din na hindi lumayo ang ideya o salin na iyong ginagawa sa orihinal na bersiyon.



URI NG PANITIKAN




     MITO: ay kabilang sa kuwentong-bayan ng pilipinas. Ang kalimtang paksa nito ay tungkol sa simula ng daigdig. Mga unang lalaki at babae, at ang pinag-mulan ng araw at gabi. Popular din ang mga kuwento tungkol sa mga nuno sa punso ,diwata, lamang-lupa, tiyanak, at iba pang mga maligno.

Mga katangian ng mito:
      1.Nagiiwan ng mabuting aral.
2.Nagpapaliwanag ng pagkakalikha ng daigdig.
3.Naglalahad ng mga sinaunang gawain/ritwal at digmaang panrelihiyon.
4.Nagpapaliwanag ng kasaysayan ng isang lugar o pook.
5.Naglalarawan ng saloobin at damdamin,pangarap, at mithiin ng mga sinaunang tao.
6.Naglalarawan ng matatandang pamahiin at kaugalian.

Mga Elemento ng mito:
      1.Tauhan
2.Banghay
3.Tagpuan


LAYUNIN NG AKDA

        Layunin ng akda na ipaliwanag at ipasilip sa mga mambabasa ang halimbawa ng isang mito mula sa Kenya. Ipinapakita rin ng mitong Liongo ang kasaysayan, kultura, at sistema ng mga taga-Africa. Layunin din ng akda na ipakita ang pagkamalikhain ng mga taga-Africa dahil ginagamitan nila ng mga awitin  ang bawat kabanata ng mito.



MGA TEORYANG PAMPANITIKAN



   
Teoryang Klasismo
Klasismo ang akdang ito ay hindi naluluma o nalalaos. Hanggang ngayon ay isinasalin-salin pa rin ito  ng mga tao. Matipid at piling-pili ang mga salitang ginamit dito.



 Hal. “Ang bawat kabanata ng mitong ito ay naitatak at napanatiling buhay sa pamamagitan ng mga awitin.”


(Payak ang mga salitang ginamit at ipinapahiwatig ng linyang ito na hanggang ngayon ang mitong Liongo ay buhay pa rin.)



Teoryang Formalistiko



Formalismomaiintindihan at mauunawaan mo kaagad ang mensahe ng akda. Hindi kinakilangang himayin ang laman dahil napakadali na nitong unawain.


   Hal. “Si Liongo ay nagkaroon ng anak ng lalaki na kalaunan ay nagtaksil at pumatay sa kaniya.”

(Walang paligoy-ligoy na sinabi na ang anak ni Liongo ang pumatay sa kaniya. Di na kailangan pang intindihin dahil payak ang mga salitang ginamit.)


TEMA O PAKSA NG AKDA
    Matagal nang nalikha ang mitlohiyang ito ngunit napapanahon ito dahil maaari natin itong ikumpara sa mga pamilya at sa politika na nagtratrydoran para sa kapangyarihan tulad ng pagtataksil/pagpatay ng sariling anak ni Liongo sa kanyang ama. 

MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA



•Liongo- isinilang si liongo sa isa sa pitong bayang nasa baybaying-dagat ng Kenya. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay mamatay siya.

•Mbwasho- siya ang ina ni liongo.

•Sultan Ahmad- ang pinsan niyang gusto siyang patayin.




    Masasabing ang mga tauhan sa mito ay kumikilos tulad ng isang tao maliban lamang kay Liongo dahil walang taong di nasusugatan kahit ano ang iyong gawin.



TAGPUAN/PANAHON


Mga lugar na nabanggit
    Ang mga lugar sa mito ay totoo. Nabanggit ang mga lugar na Ozi, Ungwana sa Tana Delta, Shanga sa Fosa, Isla ng Pate. Lahat ito ay mga lugar sa Kenya. Masasabing ibinase sa totoong buhay ang mga pook. Matagal na panahon nang isinulat o nilikha ang mitong ito na nananatiling buhay dahil sa mga awiting taglay nito. 


NILALAMAN O BALANGKAS

     Masasabing payak ang pagkakabuod ng mito. Madali itong intindihin at hindi ginagamitan ng mga malallalim na mga salita. Mabilis ang usad ng mga pangyayari sa akda. Ipinakita ang pagiging malikhain ng mga tao noon dahil hinaluan nila ito ng mga awit at sayaw.



MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

•Kahit anong gawin mong mabuti, masama pa rin ang tingin ng iba sa‘yo. Katulad ng pag traydor ng kaniyang pinsan na si Sultan Ahmad, ipinakita nito na marami pa ring masama at sakim sa mundo.


•Kahit ikaw ay walang ginagawa, marami pa ring tao ang maiinggit sa'yo. Katulad uli ito ni Sultan Ahmad na inggit kay Liongo. Ang pagkainggit niya ay lumala at naging dahilan kung bakit niya ipinakulong si Liongo.

•Kahit sino ay maaari kang traydorin alang-alang sa kapangyarihan. Sapagkat ang mga may kapangyarihan o may pwesto ay kaya tayong kontrolin o abusuhin gamit ang kanilang kapangyarihan kaya’t marami ang naghahangad ng kapangyarihang ito.



ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

     Tila sa unang pagbasa kamangha-mangha ang bidang karakter. Sa paraan ng paghimay-himay ng diyalogo maliliwanagan ka sa nais iparating ng Akda. Mayroong diyalogo mababaw ang mga salita, mabilis mo itong maiintindihan. Masining, mahusay, at pag-iisip ng mga diyalogo. Kawili-wili itong basahin dahil mararamdaman mong kasapi ka rin dito at sa kamangha-manghang iyong natuklasan dito. Tila ang mito at ang mambabasa ay may koneksyon dahil sa mga ginamit na salita. 


BUOD

      Si Liongo ay isang mitolohikal na bayani ng mga mamamayan sa Swahili at Pokonio. Si Liongo ay ipinanganak sa isa sa pitong bayan sa baybayin ng Kenya. Siya ay may natatanging lakas at kasintaas ng higante. Hindi siya nasasaktan o nasusugatan ng anumang sandata ngunit kapag itinurok ang karayom sa kanyang pusod, siya ay mamamatay. Si Liongo ay hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Shanga sa Fosa, isla ng Pate. Hinirang na bagong hari ay ang kanyang pinsang si Sultan Ahmad sa impluwensiya ng Islam. Nais mawala ni Sultan Ahmad si Liongo kaya ibinilanggo at ikinadena si Liongo. Ngunit nakawala si Liongo. Nagtungo sa kagubatan si Liongo at nanirahan doon kasama ang mga “Watwa”, ang mga nanahan sa gubat. Natuto pumana si Liongo at sumali ito sa paligsahan. Kalaunan, siya ay nanalo at nagging daan ito para siya ay mahuli ulit. Muli siyang nakatas at nakipagdigma sa Galla (Wagala), kung saan ang hari ay ipapakasal ang anak na babae kay Liongo upang mapabilang ang bayani sa kanyang pamilya. Sila ay nagkaroon ng anak na lalaki na kalaunan nagtaksil at pumatay sa kanya. 






























No comments:

Post a Comment