Monday, 17 December 2018

Long Walk To Freedom

 Long Walk To Freedom

Sanaysay ni Mielad Al Oudt Allah
Mula sa South Africa
Sinuri 
nila Chrissha Quinto, Ruefort Aguilar, Bryle Atienza, Brianna Gutierrez at Jheremy Ortiguero



  • PAGKILALA SA MAY-AKDA
Ang may-akda ay si Mielad Al Oudt Allah. Siya ay nag-aaral noon ng kaniyang Master's degree sa larangan ng politika nang likhain niya ang isang sanaysay patungkol sa libro ni Nelson Mandela na "Long Walk To Freedom" upang ihanda ang kaniyang kakayahan maging pinuno at tinitignan niya kung paano maapektuhan ng akda ang kaniyang buhay at ang mga aktor na naglaro sa kaniya.
Si Luther Star Idris Elba ang pinaka bagong aktor na naka-star bilang Nelson Mandela. Kinuha niya ang sentral na papel sa isang Long Walk To Freedom, isang adaptasyon ng autobiography ni Mandela.




  • URI NG PANITIKAN
Ang uri ng panitikan ay isang sanaysay. Ito ay nagpapakita ng kaisipan at nagtuturo ng aral at maihahalintulad ito sa pagkuha ng may akda, na si Mielad Al Oudt Allah, ng inspirasyon kay Nelson Mandela at pagkuha sa akdang "Long Walk To Freedom".
Si F.W. de Klerk ay presidente ng Timog Aprika mula 1989 hanggang 1994, sa panahong iyon ay nagtatrabaho siya kay Nelson Mandela upang magtagumpay na wakasan ang apartheid na sistema ng panlipunang segrasyon.





  • LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin ng sanaysay ni Mielad Al Oudt Allah ay ang nagmulat, hindi lamang ng kaniyang diwa, kundi maging ng mga taong patuloy na ipinaglalaban ang kanilang kalayaan. Ginamit niya ang istorya ni Nelson Mandela bilang inspirasyon niya at ng lahat ng tao. Nais niyang ibahagi sa nakararami ang kabutihang naidulot ni Mandela sa kaniya bilang isang inspirasyon para sa ibang tao.


Paglalapat ng Teoryang Pampanitikan
" Ang sumunod ay aking pananaw sa buhay ni Mandela na isinalarawan sa aklat na ito at mga paraan kung paano tayo matututo mula sa isang dakilang pinuno "

BAYOGRAPIKAL- Ekspresyon ng mga natatagong katotohanan na may kaugnayan sa buhay at karanasan ng awtor.

" Sa pagsasaalang-alang ng opresyon at dominasyong namayani sa South Africa noong mga nakaraang dekada, masasabing ang pagkakaisa ng iba't ibang lipunan sa South Africa ay isang pambihirang tagumpay na marapat bigyang halaga."

HISTORIKAL- Pinapakita ang ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at mga pwersa ng lipunan o umiiral sa kaniyang lipunan.

" Ang tanikala ng isang mamamayan ay tanikala ng buong bayan, ang tanikala ng bayan ay akin na ring tanikala. "

HUMANSIMO- Layunin ng panitikan na ipakita na ang tao ang sentro ng mundo.


  •  TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng akda ay patungkol sa paglaban sa diskriminasyon at pagpapalaganap ng pagkapantay-pantay ng bawat isa nang hindi alintana ang kulay o lahi.








  •  MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA



Nelson Mandela 
Siya ay isinilang noong 1918 sa maliit na nayon sa rehiyon ng Transkei. May kababaang loob at buo ang paninindigan sa kaniyang ipinaglalaban sa kaniyang pamumuno sa South Aftrica mula 1994 hanggang 1999.










Gadla Henry Mphakanyiswa

Ama ni Nelson Mandela na itinalagang pinuno ng bayan ng Mrezo.







Gobernador Mqhkezweni 
Nakapagimpuwensya kay Nelson Mandela noong siya ay bata pa.
“Na ang diwa ng demokrasya ay nangangahulugang ang lahat ng tao ay nagtatamasa ng Kalayaan sa pagpapahayag, at lahat sila ay pantay-pantay sa kanilang pagpapahalaga bilang mamamayan.”




  •  TAGPUAN/PANAHON 
Maliit na nayon sa rehiyon ng Transkei
Dito isinilang si Nelson Mandela

Bayan ng Mrezo

Ito ang pook kung saan namumuno ang ama ni Nelson Mandela na si Gadla Henry Mphakanyiswa

Unibersidad ng South Africa

Paaralan kung saan nagtapos ng Bachelor of Arts si Nelson Mandela

Minahan ng carbon sa Johannesburg

Dito pansamantalang naghanap si Nelson Mandela ng trabaho kasama ang kaniyang kaibigan

Johannesburg

Dito naka tayo ang kaniyang law firm na nagbibigay ng libreng serbisyong legal sa mga “itim”.

South Africa

Bansang kaniyang pinamunuan 


  •  NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Panimula
Introduksiyon kay Nelson Mandela at inilarawan ang mga suliraning kinakaharap ng Africa.

Saglit na kasiglahan
Nagsimula sa pagsasalaysay ng maagang buhay ni Nelson Mandela at pagpapakilala sa kanyang magulang at kanilang mga suliranin.

Tunggalian
Ipinaglalaban ni Nelson Mandela ang pagkakapantay-pantay at karapatan ng bawat isa na “hindi nababase ang antas ng tao sa kanyang kulay o lahi.”

Kasukdulan
Ipinakita dito ang mga suliranin na humubog sa pagkatao ni Nelson Mandela pati ang mga mabibigat na karanasan na naging salik sa pagbuo ng kanyang katauhan.

Kakalasan
Isinalaysay dito ang mga narating sa buhay ni Nelson Mandela at ipinakita rin ang patuloy na paglaban sa diskriminasyon.

Wakas
Ipinaliwanag dito na ang kanyang kabataan ay puno ng pagmamahal sa kabila ng mapang-hamon na buhay. Ipinakita dito ang kanyang pagnanais na ipagtanggol ang kalayaan ng South Africa.


  •  MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang mga ideya o kaisipang nakapaloob sa akda ay ang mga sumusnod:

"Kapag ikaw ay nagpursige at nagsipag, kaya mo
makamit ang nais mong makamit."
"Lahat ng pagsubok ay kaya nating
malampasan o malutas."
"Lahat tayo ay pantay-pantay. Walang
maitim o maputi."



  •  ESTILO NG PAGKASULAT NG AKDA
Ang estilong ginamit ay pag papakilala sa karakter na si Mandela at pag-papakita ng mga karansan na ginawa ni Mandela at dito na rin binaggit ang mga naitulong o nagawa ni Mandela para sa South Africa.










  •  BUOD
Ang sariling talambuhay ni Nelson Mandela ay nagbibigay-linaw sa kaniyang naging ambag sa tagumpay na ito. Itinuturing na isang panawagan sa iba't iba pang bansa sa daigdig na sikaping makamit ang sariling tunay na kalayaan. Si Mandela ay kasali sa National Congress Party at noong panahong naging pangulo sya ng South Africa, sinulat niya ang libro na “Long Walk to Freedom” na humubog sa kanya bilang maging “MANDELA”. Dito nagsimula ang paghahanda ni Mandela bilang pinuno at sa dakong huli, itinakda niya sa kaniyang sarili ang hangaring naging kaibuturan ng kanyang buhay: Ang ipagtanggol at ipaglaban ang kalayaan ng South Africa.





Salamat sa Pagbabasa! =) 


No comments:

Post a Comment