Wednesday 28 November 2018

Ang Kuwento ng Suwail na Bata


ANG KUWENTO NG BATANG
SUWAIL

•HANGO MULA SA”THE STORY OF THE BAD LITTLE BOY”

•HALIMBAWA NG MAIKLING KUWENTO

•MULA SA ESTADOS UNIDOS

•ISINULAT NI MARK TWAIN

•ISINALIN SA FILIPINO NI MARINA GONZAGA-MERIDA
PAGKILALA SA MAY-AKDA
  


Si Mark Twain ay isang tanyag na manuulat sa bansang amerika .Ang nag-udyok sa
kanya upang ito ay isulat ay para iparating sa atin na hindi lahat ng kuwento tungkol sa
suwail na bata ay magkakaparehas gaya nga dito sakuwentong ito na kabaliktaran ang mga
nangyari sa mga batang suwail sa  mga aklat na ating nabasa.Upang ibahagi sa atin na
may ibaibang pangyayari sa buhayng tao at kung paano natin gagamitin ang pagkakataong 
binigay sa atin ng Diyos:para gumawa ng kabutihan o mabuhay sa kasamaan at kasakiman.

URI NG PANITIKAN
Ito ay isang panitikang tuluyan-
nasusulat sa patalatang paraan.
Halimbawa ng
panitikangtuluyan:alamat,pabula,nobela,at
maikling kuwento.Ito ay isang halimbawa ng 
maikling kuwento.Ito ay maituturing na 
sang maikling kuwento kung ito ay nagtataglay
ng mga natatanging katangian:iisang kakintalan,may isang pangunahing tauhang may 
suliraning lulutasin,may pagtalakay sa madulang bahagi ng buhay,may mahalagang 
tagpo,may mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na susundan ng  
wakas.
LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ay upang itama amg mga maling kilos ng mga tao at 
upang ipabatid sa atin na lahat ng mga kasalanang ginawa ay 
laging may kabayaran o parusa.




PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
   Teoryang Moralistiko(ang layunin ng panitikan ay ilahat ang iba’t ibang pamantayang
 sumusukat sa moralidad ng isang tao-ang pamantayan ng tama at mali).Ang mga ibang
 bahagi sa teksto na magpapatunay sa sinabing teorya ay ang mga sumusunod:
  • Pagnanakaw ng suwail na bata sa susi ng kainan at kainin ang halaya.
  • Pagsabi ng kanyang ina na kahit mapilipit ang leeg ng kaniyang anak ay hindi 
         malaking kawalan sa kanya at laging pagpalo kay pedro upang makatulog ito.
  • Pagkuha ng korta-pluma ng kaniyang guro kaya isiniksik niya ito sa sumbrerro ni Jose 
         upang siya ang mapagbintangan.


Tema o paksa ng akda
    Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa
masasamang gawain ni Pedro na kahit anong 
gawin niya ay hindi man lang siya 
naparusahan hanggang sa lumaki siyang 
naging mayaman sa pamamagitan ng
pandaraya at pandarambong,at kapit sa patalim ngunit hindi ito makakatotohanan at
kapani-paniwala dahil sa totoong buhay ay may kaparusahan ang bawat na masamang 
ginawa.
MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
   Ang mga tauhan at karakter sa akda ay sina:
  • Pedro
  • Ina ni Pedro
  • Jose
  • Guro
  • Ang matanda
   Mahalagang makilala nang lubusan ng sinumang manunuri ang mga tauhang gumagalaw
 sa akda sapagkat sila ang nagpapatakbo ng salaysay ng kuwento.





Image result for cartoonized bahay puno at paaralan
TAGPUAN/PANAHON

Ang mga tagpuang pinagganapan ng pangyayari ay:sa
bahay dahil dito siya pinagalitan ng kanyang nanay at
dito rin siya nagnakaw susi sa kainan at kinain ang 
halaya;sa puno dahil dito siya umakyat at hinabol ng 
aso,at kumuha ng maraming mansanas;sa paaralan 
dahil dito siya kumuha ng korta-pluma(penknife) at isiniksik sa sombrero ni Jose; at sa likod 
ng bakuran.Umaga at maliwanag ang sikat ng araw ang nakasaad na panahon.


NILALAMAN O BALANGKAS NG
MGA PANGYAYARI
    Ang kuwentong ito ay masasabi nating luma at matagal
na dahil nagkaroon na ito ng sari-saring at iba-ibang
bersiyon.Magkakaugnay at may kaisahan ang
pagkakalapit ng mga pangyayari mula simula hanggang
wakas at siguradong may matutunan tayo sa mga
nilalaman ng mga pangyayari sa akda.Ang kuwentong ito
ay mga pangkaraniwang kuwento na tungkol kay Pedro ngunit kabaliktaran ang mga
nangyari sa kuwentong ito.Hindi nagbago ng ugali si Pedro at siya ay may swerte dahil lagi
siyang nakakatakas at nakakatakas.Ninakaw niya ang susi at kinain ang halaya.Pinuno niya
ang bote ng halaya ng alkitran para hindi mahalata ng kanyang ina na nabawasan
ito.Umakyat siya at nagnakaw ng mga prutas.Pagkataapos,kinuha ang korta-pluma at
isiniksik niya ito upang si Jose ang mapagbintangan.Siya ay lumaki,nag-asawa,at bumuo ng
isang pamilya.At sa kasalukuyan,siya ay isang tampalasan sa kaniyang bayan,at 
ginalang,at nagging kasapi ng Kongreso.
MGA KAISPAN O 
IDEYANG TAGLAY NG 
AKDA
   Huwag nating gayahin si Pedro na isang
suwail na bata kundi gumawa tayo
ngkabutihan,magingmatapat,at 
masunurin.Dapat rin nating igalang ang
ibang tao upang sa ganon ay igalang at
irespeto tayo ng ibang tao.Iwasan nating
gumawa ng kasamaan para hindi natin ito makasanayan sa ating paglaki para hindi tayo
matulad kay Pedro na nagging mayaman sa pammagitan ng pandaraya at pandarambong.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
  • May kapayakan ang mga ginamit na salita at hindi masyadong paggamit ng
         malalalim na mga salita.
  • Masining ang pagkakagawa ng kuwento.
  • Nakakaengganyo ito basahin at madaling maintindihan ang nilalaman ng kuwento.
  • Nakakapag-bigay ng aral sa mambabasa
  • Angkop ang antas ng pag-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda.

BUOD
   Ang kuwentong ito ay tungkol kay Pedro kung saan ang
kanilang mga maling ginawa sa kaniyang kapwa ay hindi
niya pinagdusahan dahil siya ay nakakaligtas lagi hanggang 
sa siya ay lumaki na.Hindi naitama ang kanyang masamang 
pag-uugali ngunit kabaliktaran ang mga naganap sa mga
suwail na si Pedro mula sa mga kuwento sa mga aklat.Siya 
ay nangakong magbago at nagging isang mabait na bata.










  

No comments:

Post a Comment