Wednesday, 28 November 2018

Nakaiwas Si Melchizedek Sa Bitag

Nakaiwas Si Melchizedek Sa Bitag

Isinalin ni: Cristina Dimaguila- Macascas
Sinuri nila: Camille Alcantara, Leyla Enriquez, Leigh Avecilla, Almeo Alejandro, Yram Basilio

                         

                       PAGKILALA SA MAY AKDA


Giovanni Boccaccio

 Sa panitikan ng Europa, kilala si Giovanni Boccaccio bilang isang mahusay na manunulat at iskolar na ang mga gawa ay may isang pangunahin at walang hanggang epekto sa ebolusyon ng mga panitikan sa Europa. Maaaring ang dahilang pagpapadala sa kanya ng kanyang ama sa Naples upang mag-aral ng negosyo at habang nalaman niya ang tungkol sa aristokrasya ng komersyal na mundo, gayundin ang kaguluhan at pyudalismo, ang nag-udyok upang maisulat ang akda.


                       URI NG PANITIKAN

Ginamit ng manunulat ang parabula upang ihayag ang turo ni Hesus tulad ng paggawa ng desisyon sa isang sitwasyon. Sa kayarian ng parabula, taglay nito ang elemento na tauhan, tagpuan, at banghay na simple ngunit may malalim na simbolo o sagisag.



LAYUNIN NG AKDA



Ang akda ay naglalayong magturo sa mambabasa na mas maganda na lamang na magsabi ng totoo kaysa manlinlang na pagmumulan pa ng kaguluhan.




PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN: 

  • Teoryang Humanismo- Mailalapat ang Teoryang Humanismo sa parabulang ito, Ang Humanismo ipinapakita sa akda na ang tao ang sentro ng mundo. Kinikilala bilang panukatan ng maraming bagay at pangyayari. Ito ang tatlong ebidensya na nagpapatunay na Humanismo ang parabulang Nakaiwas Si Melchizedek Sa Bitag. Una, nanggaling ito sa bibliya. Pangalawa, nakakuha rin ng magandang aral sa kuwentong ito ang aral sa istoryang binasa ay pagkakapantay-pantay ng tao sa mundo. Panghuli, nakakuha rin ng espiritwal na aral na maging pantay-pantay dapat palagi.
  • Teoryang Sosyolohikal
  • Teoryang Moralistiko

TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema ng parabula ay tungkol sa mga sumusunod: maging wais sa buhay o mapanuri, panlilinlang sa kapwa, at pagiging pantay at walang kinikilingan.




MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Ang mga pangunahing karakter ay sina Saladin at Melchizedek, Si Saladin na isang sultan na naubusan ng pera dahil sa digmaan, at si Melchizedek kilala sa pagiging kuripot at pagiging mayamang Hudyo. Ginamit ito ng may-akda upang ihayag ang tungkol sa pangyayari na panlilinlang at iparating sa mga mambabasa na maging wais at huwag agad magpahulog sa bitag.


Saladin

Melchizedek














TAGPUAN/PANAHON

Ang istorya ay naganp sa Salem at Alexandria sa panahon na Medieval. Matagal na panahon nang naisulat ang parabula ngunit ang nangyari dito'y maaari pa ring maganap muli.

NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Kapag binasa mo ang parabula, makikita mula sa pangkalahatang  pagtingin ay unti-unting mapagtatanto na ito ay hango sa mga turo ni Hesus at sa mga tala sa bibliya. May ilang pangyayari sa parabula na 'di karaniwan. Halimbawa, ang pagpapagawa ng 3 magkakaparehas ng singsing upang ibigay sa 3 anak, dahil kadalasan ay may 1 lamang na papaburan at maari ring pagmulan ito nang pag-aaway nila.

MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang mga sumusunod ay mga kaisipan o ideya na nakapaloob sa akda:
  • Hindi natin dapat linlangin o pagsamantalahan ang ating kapwa para sa sariling kagustuhan
  • Pantay-pantay dapat ang pagtingin o pagtrato sa tao kahit ano pa ang relihiyon nito
  • Hindi natin dapat nilalamangan ang ibang tao

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Sa pagbasa tila ito'y isang simpleng maikling kuwento lamang ngunit ng lumaon ito'y mas naging kapukaw-pukaw ng atensyon dahil sa mga paggamit ng ibang malalalim na salita at takbo ng istorya. Ito'y nanatiling maayos at naiintindihan sa kabila ng kapayakan na paggamit ng mga salita. Ang parabula na isinulat ng may akda ay maganda at maaaring tumugon sa panlasa ng mambabasa dahil na rin sa nilalaman, mga aral, at mahusay na pagkakalikha nito.

BUOD

Ang parabula ay tungkol sa isang sultan na nanlilinlang ng isang hudyo upang makahiram ng pera ngunit siya'y di nagtagumpay kaya naman mas maganda na lamang na magsabi ng totoo. Sa huli, naging matalik na magkaibigan pa rin sila.






No comments:

Post a Comment