Isang pagsususri nina Mendoza, Sosa, Hernandez, Martin, TolentinoIsinalin ni Vilma Alcantara — Malabuyok Mula sa librong "Mythology" ni Gng. Edith Hamilton
TUNGKOL SA MAY AKDA:
Si Edith Hamilton ay isang Amerikanang guro na nakilala sa buong mundo bilang isang magaling na manunulat ng mga librong nakilala dahil sa kanyang pagiging “classicist”. Nagtapos sya ng kolehiyo sa Bryn Mwar College at nakapag aral din sya sa Alemanya sa Unibersidad ng Liepzig at Unibersidad ng Munich. Ilan sa mga libro nyang tanyag sa mundo ay ang mga sumusunod:
“The Phrophets of Israel (1936)”
“Mythology (1942)”
At iba pa.
URI NG PANITIKAN:
Ang uri ng panitikan ng kwentong "Haring Midas" ay isang maikling kwento na isang Mito, sapagkat ating masisilayan at mahahagilap ang mga karakter ng mga Diyos na nagbigay ng mga pagsubok kay Haring Midas.
LAYUNIN NG AKDA:
Layunin ng askdang magturo sa mga mambabasa nito kung anong maaring kahinatnan ng isang taong hindi iniisip ang maaring kahinatnan o epekto ng kanyang mga kilos. Sa akdang ito ipinapakita na ang kamngmangan ng isang tao ang minsan o madalas ay syang nagpapahamak sa kanya.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:
Teoryang Sikolohikal at Teoryang Klasikal ang maaring mailapat sa kwentong ito dahil bilang isa itong mito, kahit kaila'y hindi kukupas ang storya nito at dahil sa ating masusuri ang iba't-ibang katangian ng karakter na si Haring Midas.
Isang halimbawa nito ay ang kanyang kamangmangan sa pagpanig sa mas nakabababang Diyos na si Pan (Diyos ng Kasukalan at Kabundukan) sa halip na kay Apollo(Diyos ng Araw, Musika at Panggagamot.
TEMA O PAKSA NG AKDA:
Ang tema ng akda'y pagninilay bago gumawa ng mahahalaga man o maliliit na desisyon na sa huli'y ikaw ang mayroong responsibilidad.
MGA KARAKTER NG MITO:
Dionysus (Diyos ng Alak)
- Nagbigay ng kapangyarihan kay Haring Midas matapos nitong makita at isauli ang kanyang tagapag-silbi na si Silenus matrapos itong mapadpad sa kanyang kaharian.
-Naging dahilan ng unang kamangmangan ng hari.
Apollo (Diyos ng Araw, Musika at Pangagamot)
-Diyos na kasama sa patimpalak sa musika na kalaban ni Pan (Diyos ng Kasukalan at Kabundukan)
-Nagalit kay Haring Midas nang hindi sya pinili nito sa kadahilanang wala siyang marinig.
-Binigyan si Haring Midas ng Tenga ng asno.
Haring Midas
- Mangmang na hari ng Phygria.
- Hindi nag-iisip bago kumilos.
- Ninanais lang na mas lalong yumaman ang kanyang kaharian.
- Nagtitwala sa mga maling tao.
TAGPUAN O POOK NG AKDA:
- Kaharian ni Haring Midas
- Kung saan nakita si Silenus ng mga kawal ni Haring Midas
Ilog Pactolus
- Kung saan hinugasan ni Haring Midas ang kanyang mga kamay upang m,awala ang kanyang kakayahang gawing ginto ang lahat ng kanyang mahawakan
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI:
Ang kwentong ito ay matutring na isang klasik dahil sa kakayahan nitong masabayan ang pagbabagop ng panahon na dahil sa walang kupas na aral na matututunan sa akdang ito.
Ang mensaheng iniwan ng akda'y nagmamarka sa bawat mambabasa. Ang akda din ay nagpakita mula sa simula na sunod-sunod na pag-eengganyo sa iyo ng akda na halos nang-aakit gamit ang mga salita at kakatwang dala ng kamangmangan nang hari.
MGA IDEYA O KAISIPANG TAGLAY NG AKDA:
Ang mga kaisipang nakapaloob sa kwento ni HaringMidas ang mga sumusunod:
- Pag-iingat sa bawat hiling na binibitawan dahil sa maaring ito'y ikasama mo din.
- Ang bawat desisyon ay dapat pagnilayan ng mabuti dahil sa pagninilay natin mapagtatanto kung ang gagawin ba nating aksyon ay patas lamang?
- Ang pag-iingat sa pagsasabi ng iyong sikreto sa mga piling tao.
ESTILO NG PAGSUSULAT NG AKDA:
Ang estilo ng paggawa ng manunulat ng akdang ito'y hindi maipagkakalina na tunay na masining sapagkat ang bawat salita sa kanyang pagku-kuwento'y nagpipinta ng mga imahe sa pag-iisip ng madla.
Ang ginamit na perspektibo ng may akda ay wala sa kahit na kaninong karakter ang pokus, kundi sa paligid ng mga karakter na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng patas na pananaw sa lahat ng angulo sa isang pangyayari.
BUOD NG KWENTO:
Sa kaharian ng Phrygia ay mayroong haring nais lamang lumago ang kanyang kayamanan ngunit dahil sa sunod-sunod na kamangmangan ng kanyang mga desisyon ay unti-0unting nanganib ang kanyang buhay. Mula sa muntikang pagkamatay dahil sa matinding gutom, hanggang sa pagpapalibing ng buhay dahil sa khihiyang dala ng kanyang mga desisyon na naging dahilan ng pagpili ng hari na mamatay na lamang kumpara sa pamumuhay sa kahihiyan at pagiging kakatwa sa harap ng maraming tao.
No comments:
Post a Comment