Isinulat ni: Elizabeth Barret Browning
Isinalin ni: Rufino Alejandrino
PAGKILALA SA MAY AKDA
Elizabeth Barret Browning |
Isang sikat na manunulat sa Inglatera si Elizabeth Barret Browning. Isa sa pinakatanyag niyang likha ang "How Do I Love Thee" o "Ang Aking Pag-Ibig". Pinili ni Browning ang pamagat na ito upang ialay ito sa kanyang asawa. Ngunit, sinasabing ang tulang ito ay patungkol sa lalaking kanyang
pinakamamahal ngunit hindi nakatuluyan. Kalaunan, nabasa ito ni Robert Browning-- ng lalaking kanyang napangasawa ang tula at nagustuhan niya ito. Nagtagpo sila at katagalan, nahulog ang loob sa isa't isa at nagkatuluyan.
URI NG PANITIKAN
"How Do I Love Thee" |
Ang "Ang Aking Pag-Ibig" ay isang halimbawa ng tula. Ang tula ay isang uri ng panitikan na mayroong sukat ang bawat pantig, tugmaan, at taludtod. Ang "Ang Aking Pag-Ibig" ay isang tulang Soneto. Ang Soneto ay isang uri ng tulang may 14 na taludtod tungkol sa damdamin at kaisipan, may tugma, at may mapupulot na aral ang mambabasa.
LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ng may akda na magsiwalat ng pagmamahal sa pamamagitan ng tula. Nais niyang ipakita at ibahagi ang kanyang pagmamahal sa kanyang iniirog.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Romantisismo |
Nakapailalim ang tula sa Teoryang Romantisismo dahil ito ay nagpapamalas ng masigasig na pag-aalay ng kanyang pag-ibig. Ipinapakita rin ng akda na gagawin ng ibang nilalang ang lahat upang maipaalam at maiparamdam ang kanilang pag-ibig.
(MGA TEKSTONG NAGPAPATUNAY NG NASABING TEORYA)
INIIBIG KITA NG BUONG TAIMTIM
YARING PAG-IBIG KO ANG SIYANG LAHAT NA
PAG-IBIG KO'Y ISANG MATINDING DAMDAMIN
MALIBING MA'Y LALONG IIBIGIN KITA
AY ANG PAG-IBIG KO SA MARAMING BANAL
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng tula ay tungkol sa pagmamahal ng may akda. Nagpapakita ito ng dalisay na pagpapahayag ng damdamin na nakakapukaw ng atensyon ng mambabasa. Napapanahon ang ganitong klaseng tema o paksa sapagkat maraming tao-- lalo na ang mga kabataan-- ang nakakaramdam ng "kilig" o pag-ibig. Makabuluhan din ito dahil sa mga aral na maaari nating matutuhan sa pagbasa nito.
MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Ang tanging tauhan o karakter sa tula ay ang mismong sumulat, si Elizabeth Barret Browning dahil sarili niyang karanasan at damdamin ang ipinapahayag niya sa kanyang nilikhang tula.
TAGPUAN/PANAHON
Inglatera |
Ang tagpuan ng tulang "Ang Aking Pag-Ibig" ay sa Inglatera dahil sa lugar na ito isinulat ng may akda ang tula. Ipinakita rin sa tula kung paano ang pagpapakita ng pag-ibig sa nasabing lugar.
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Kung babasahin mo ang tula sa unang pagkakataon, maaaring maging ordinaryo o karaniwan na ito sa atin. Ngunit, kung iintindihin nating mabuti ang nilalaman nito, hindi ito isang pangkaraniwang kuwentong pag-ibig lamang. Ito ay isang kuwento ng pagmamahal na hindi marunong sumuko at di marunong umayaw, hanggang kamatayan.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Ang kaisipang nakapaloob sa tula ay patungkol sa hindi basta-bastang pag-ibig. Dapat, ang pag-ibig ay pinaghihirapang buuin at hindi dapat minamadali. Makikita rin dito na ang pag-ibig ay hindi dapat panandalian lamang.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Ang estilo ng pagkakasulat ni Browning sa tula ay epektibo sa kadahilanang magandang naipakita ang damdaming nais ipahayag ng tula. Gumamit din si Browning ng mga matatalinghagang salita para maipakita ang damdamin ng kuwento. Makikita at maiintindihan kaagad ng mga mambabasa ang mensahe o ideyang nakapaloob sa akda.
BUOD
Ang tulang ito ay pumapatungkol sa isang pag-ibig na hindi napapagod at hindi susuko. Isang pag-ibig na dapat hindi binabaliwala at dapat pinapahalagahan, dahil ang ganitong klaseng pag-ibig ay minsan lamang dumating sa buhay ng isang tao.
nice! :)
ReplyDeleteThanks......
ReplyDeleteInteresting poem of love story
ReplyDeleteThank you��
ReplyDeleteThank you so much!!!
ReplyDeleteSalamatttt po ng maramiii muaps
ReplyDelete