PAGKILALA SA MAY AKDA
Henri Rene Albert Guy de Maupassant, isang tanyag na manunulat mula sa Pransya na sumulat ng ilang kuwentong kinabibilangan ng ‘The Necklace’ o ‘Ang Kuwintas’. Ang pangunahing punto rito ng may akda ay "ang hindi marunong makuntento sa buhay ay hindi talaga magiging maligayang tunay." Isinulat nya itong maikling kwento na may aral na nag-iiwan ng katanungang pang repleksyon sa kaugalian ng mambabasa na hindi gumagamit ng mga kathang isip na mga bagay o pangyayari sa kuwento.
URI NG PANITIKAN
Ang maikling kwento ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagangpangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.
LAYUNIN NG AKDA
Nilalayon ng akda na maiparating sa mga mambabasa na matutong makuntento at maging masaya sa kung ano ang mayroon ka. Layunin din nito na matuto tayong umamin kung tayo man ay nagkasala.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang Realismo sa teoryang ito ipinakita o ipinaglaban ang katotohanan kaysa kagandahan. Ang sinuman tao o anumang bagay ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan at paglalahad. Iilan sa mga patunay ay ang mga sumusunod:
1. Ang paghiram niya ng isang kwintas upang mas maging magarbo sa okasyong kanyang dadaluhan ay nagbigay sa kanya ng mas malaking suliranin at kahirapan ng ito ay kanyang maiwala.
2. Sa pagkawala ng kwintas at pagbili nila ng kapalit nito ang kanilang mahirap na buhay na kanilang dinadanas ay mas lalo pang tumindi.
3. Ang kagandahang kanyang pinagmamalaki ay naglaho dahil sa mga kahirapang kanyang hinarap.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Base sa aming pagsusuri, ang akdang ito’y napapanahon sapagkat ang aral nito ay nagagamit pa rin sa kasalukuyan. Nagbibigay din ito ng sensibilidad sa mga mambabasa na matutong makuntento sa tinatamasa nilang buhay at matutong umamin at akuin ang kanilang pagkakasala.
MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Ang mga tauhan na makikilala sa kuwento ay sina Gng. Mathilde na mayroong mataas na pangarap sa buhay. Kasama rin ang kanyang asawang si G. Loisel na kontento sa buhay na meron siya ngunit handa paring gawin ang lahat para sa kanyang asawa. Ang panghuling karakter naman ay si Madame Forestier na kaibigan ng bida na nagpahiram ng kwintas dito.
TAGPUAN/PANAHON
Iilan sa mga tagpuan sa kuwento ay ang bahay ng mag-asawang Loisel, bahay ni Madame Forestier at ang ginanapan ng sayawan. Ang panahon at tagpuan sa kwento ay makatotohanan sapagkat maraming tao ang nakakaranas ng parehong eksena kagaya na lamang ng nasa teksto sa parehong lugar.
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Kapag binasa mo ang maikling kuwento’y makikita mo ang unti-unting pagbabago sa buhay ni Mathilde nang dahil lamang sa nawala niyang kuwintas ni Forestier.
Ang kuwentong ito’y kilala dahil sa kakaiba nitong pagtatapos.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
•Hindi masamang mangarap ngunit alamin parin ang limitasyon.
•Walang mapapala sa pagsisinungaling kaya aminin na lang ang nagawawang kasalanan.
ESTILO O PAGKAKASULAT NG AKDA
Pagsasalaysay ang naging estilo ng manunulat na naging epektibo dahil mas napalawak nito ang imahinasyon ng mambabasa.Mas madali ring intindihin ang takbo ng kuwento dahil sa napili nitong estilo. Maraming mambabasa ang gusto ng ganitong paraan sapagkat mas napapalawak nila ang kanilang pang unawa.
BUOD
Ang kuwentong ito’y nagsimula nang maimbitahan ang mag-asawang Loisel sa isang pagdiriwang sa kagustuhan ni Mathilde na umangat ay nanghiram siya ng isang alahas sa kaibigan ngunit naiwala niya ito. Sa takot ay naisip niyang palitan ito na naging dahilan ng paghihirap nila.sa dulo ng kwento’y nalaman niyang ang nawala niyang kuwintas ay mumurahin lamang at nasayang ang kanilang paghihirap
No comments:
Post a Comment