Friday, 25 January 2019

Araw na may Rebolusyon

Friday, january 25 2019

Paglisan
Isinalin sa Filipino ni:Cristina dumaguilasmacascas
Sinuri nila: Rence Alejandrino, Soon karl, Lucas Angela, Lesley Cruz, Trisha Guevarra




PAGKILALA SA MAY AKDA

Ang nagudyok sa kanya upang lumikha ng mga akdang may patungkol sa lipunan ay ang kanyang trabaho o posisyon dahil siya ay isang journalist. Nakikita at napapansin niya ang mga gusto niyang malaman natin ang nangyayari sa ating paligid .






 URI NG PANITIKAN


  • Ito ay isang sanaysay dahil parang inilalahad o ikinukwento niya ang laman ng nasa akda.





                                 Layunin ng may Akda
  • Layunin ng akdang ito ay mamulat at maliwanagan ang mga tao tungkol sa katiwaliang nagaganap sa pamahalaan ngayon at noon pa man . Ipinapakita satin ng akdang ito ang mga naganap sa mga protesta laban sa politika at pamahalaan.



PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN:


REALISMO-
Noong Biyernes ‘” Ang Araw Ng Poot “ nasa kalye ako kasama ng mga nagproprotesta.
Ako at ang aking mga kaibigan ay Nakita sa mapayapang protesta na nagsimula sa Mosque ng Amir ibn al- ac sa old cairo.
Binalaan kami ng mga tao na huwag subukang dumaan sa metro station , at itinuro sa amin ang ibang ruta upang makatakas.



TEMA O PAKSA NG AKDA


Kapayapaan / Kalayaan , batay sa kwento nais ng mga tao na pakingan ang saloobin tungkol sa maling pamamalakad ng pamahalaan . Gusto nilang maging Malaya at makamit meapos ang mararapat na bataspara sa kanila . Hindi nila gusto ang pamamahala ng mga nakaupo dahil labag na ito sa kanilang gusto at hindi na makatao .



     MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

  • May akda sumulat
  • Kaibigang na may akda
  • mga pulis
  • diktador ng lusiana na si zine d abdine



TAGPUAN/PANAHON


Malawak na distrito ng captic dito nagsimula ang pagprotesta ng mga tao laban sa pamahalaan.






NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI


Ito ay hindi luma o gasgas na dahil para saamin ay minumulat tayo ng mga ganitong klase ng akda upang hindi tayo magbulagbulagan sa ating nakikita sa ating paligid at ang mga pangyayari sa akda ay may kaisahan sa pagkakalapit ng mga daloy ng istoriya ang aming natutunan sa akda ay magiging mulat ang mga mata at isip sa nangyayari sa pamahalaan at paligid.





MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA



Ang akdang nabasa ay maiuugnay sa katotohanang ang mga pangyayari sa akda ay nararanasan ng mga tao sa kasalukuyan . Ito ay labis na makatotohanan dahil hindi niya lang ito iniisip o ginagamitan ng maalikot na imahinasyon ngunit ito ay kanyang totoong naranasan at Nakita.




ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA



Epekto dahil ito ay pakwento o palahad angkop ito sa ating mga mambabasaa dahil ito ay nangyari sa totoong buhay. Walang bias na nagaganap sa estilo ng kanyang pagsulat inilahad niya lang talaga ang kanyang nasaksihan noong araw na iyon . Para saaming magkakagrupo ay tutugon ang akdang ito sa panlasa ng mambabasa at mamamayan dahil din sa akdang ito binabalaan, minumulat, at pinapakita satin ang nangyayari sa lipunan ating ginagalawan.




                                          BUOD

Ating matutungayan sa akda ang mga taong mapangabuso at mga taong naapi na ang ninanais lamang ay Kalayaan at hustisya sa kannilang buhay.




No comments:

Post a Comment