Wednesday, 26 December 2018

Paglisan

Paglisan

Isinalin sa Filipino ni: Julieta Rivera
Sinuri nila: Camille Alcantara, Leyla Enriquez, Leigh Avecilla, Almeo Alejandro, Yram Basilio

                         

                       PAGKILALA SA MAY AKDA


Albert Chinualumogu Achebe

 Si Albert Chinualumogu Achebe ay isinilang noong Nobyembre 16, 1930 sa Ogidi, sa isang maliit na nayon. Siya ay isang Nigerian Novelist, Poet, Professor at Critic. Ang “Things Fall Apart” ay itinakda noong 1890s Naglalarawan ng pag-aaway sa pagitan ng puting kolonyal na pamahalaan ng Nigeria at ng tradisyunal na kultura ng mga katutubong katutubong Igbo. Ang nobelang Achebe ay nagpaputok sa mga stereotypical European portraits ng mga katutubong Aprikano. Maingat niyang isalarawan ang mga kumplikado, advanced na mga institusyong panlipunan at artistikong tradisyon ng kultura ng Igbo bago makipag-ugnayan sa mga Europeo. Ngunit siya ay tulad ng maingat na hindi stereotype ang Europeans; Nag-aalok siya ng iba't ibang paglalarawan ng puting tao, tulad ng karamihan sa mabait na si Ginoong Brown, ang masigasig na Reverend Smith, at ang walang habas na pagkalkula ng Komisyoner ng Distrito.

                       URI NG PANITIKAN


Nobela ang akdang pampanitikan na ginamit ng may akda dahil ito'y may masusing paglalahad ng mga pangyayari, masinop at masining na pamamaraan upang maging kapana-panabik sa mga mambabasa ang teksto.



LAYUNIN NG AKDA



Ang akda ay naglalayong magturo sa mambabasa na mas maganda na lamang na gawin mo na ang iyong dapat gawin o nais upang walang pagsisisihan sa huli na ikabibigat lamang ng iyong loob, at malugmok ka man ngayon tiyak na isang araw ay ika’y muling makakabangon at higit sa lahat mahalin natin ang sarili nating buhay.






PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN: 

  • Teoryang SosyolohikalMailalapat o magagamit ang Teoryang Sosyolohikal sa pagsuri nito dahil naipamalas nito ang kultura ng mga Nigerian noong panahon na iyon.
  • Teoryang Realismo- Naipamalas nito ang katotohanan sa pagiging gutom sa kapangyarihan ng ibang tao.
  • Teoryang Moralistiko- Tinuro sa atin ng akda ang mga maaaring maganap kung gagawin o gagayahin natin ang ginawa ng bida.
  • Teoryang Sikolohikal- Sapat na dahilan ang kanyang mga karanasan sa mga bagay na nagawa niya at nag-udyok sa kanya na gawin ang mga iyon.
  • Teoryang Eksistensyalismo- Ang bida’y nagkaroon ng pagkakataon na pumili ng kanyang sariling desisyon.
  • Teoryang Dekonstrusyon- Hindi inaasahan ang naganap na pangyayari sa dulo sapagkat hindi pangkaraniwan na hindi nagtagumpay ang isang bida.


TEMA O PAKSA NG AKDA


Ang tema ng nobela ay tungkol sa mga sumusunod: iba't iba ang paniniwala ng mga tao sa pagsamba at lahat ng bagay ay may kaniya kaniyang katapusan.




MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

Ang mga pangunahing karakter ay sina:

Okonkwoisang matapang at respetadong mandirigma na nagmula sa lahi ng mga umuofia 

Amalinze

Unoka 

Ikemefuna 

Ogbuefo ezeudu

Obierika

Izinma

Mbanta
Uchendu
Abame
G. Kiaga
G. Brown
Rev. James smith
Enoch



TAGPUAN/PANAHON




Ang istorya ay naganp sa Umuofia kung saan dito nanggaling si Okonkwo at Mbanta ang lugar ng kapanganakan ng kaniyang ina.





NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI



Hindi ito nakasanayan ng mga Pilipino dahil hindi naging maganda ang wakas ng nobelang ito. May mga pangyayari na hindi pangkaraniwan kagaya ng pagpatay niya sa kanyang itinuturing niyang anak sa harap ng kanyang mga ka-tribo at si Okonkwo ay nagpatiwakal.


MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang mga sumusunod ay mga kaisipan o ideya na nakapaloob sa akda:
  • Pagmamahal sa kanyang nasasakupan at sa kababayan.
  • Ang pagpatay ay hindi isang dahilan para mapatunayan ang pagkalalaki ng isang tao.
  • Pagisipan muna kung tama ba o karapat-dapat ba itong gawin o hindi.
  • Huwag mong kyutyain o baguhin ang kultura o relihiyon ng ibang tao.

ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA



Kung babasahin ay tila isang ordinaryong nobela lamang ito ngunit ang mga nilalaman nito ay maganda at may kapu-pulutang mga aral.  Ang akda din na naipakita ay nagpapakita ng mga suliranin o problema na naganap, nagaganap at maari pang maganap katulad ng pagkitil o pagpatiwakal ni Okonkwo o ang pagiging makasarili ni Okonkwo at sa kagustuhan nyang maging matapang sa mata ng tao. Hindi pangkaraniwan ang pagkasulat ng may akda sapagkat sa una hanggang gitna ay maganda pa ang takbo nito ngunit ng lumaon o habang papalapit sa katapusan  ay mas nagkakaroon pa ng problema si Okonkwo ang bida.


BUOD

Ang nobela ay tungkol kay Okonkwo isang matapang at respetadong mandirigma mula sa Umuofia. Si Okonkwo ay maraming pagsubok na hinarap sa kanyang buhay simula noong matalo niya sa isang labanan si Amalinze at kinilala ang kanyang katapangan. Pinamahalaan niya ang siyam na nayon bilang patunay na naiiba siya sa kanyang Ama, Iniligtas niya ang batang si Ikemefuna na kalaunan ay siya rin mismo ang pumatay, Napatay niya ang anak ni Ezeudo dahilan para siya ay umalis at magtungo sa Mbanta. Lumipas ang panahon at may mga dumating na misyonero sa Mbanta at dinala ang relihiyong Kristyanismo.  Pinatay ni Okonkwo ang pinuno ng mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya dahil sa pagaakalang nais ng kanyang kaangkan na maghimagsik at napagtanto niya na hindi handa ang kanyang angkan sa isang giyera at nang dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito  siya ay natagpuan nakabitin.








Tuesday, 18 December 2018

Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota: 
Isang pagsusuri sa akda ni M.Saadat Nouri
Mula sa salin sa filipino ni Gng. Marina Gonzaga-Merida

Tungkol sa May Akda: 

Si Mullah Nassr-E Din o Nasserdin Hodja ay isang pilosopo noong bangdang ika-13 siglo. Pinaniniwalaan na ang kanyang sinilangang bayan ay matatagpuan ngayon sa bayan ay matatagpuan ngayon sa bansang Turkey. Kilala si Naserddin dahil sa kanyang mga nakatutuwang mga kwento at anekdota. Sinasabing siya'y may matalas na pag-iisip, ngunit palagi rin siyang pinagbibiruan. 



Uri ng Panitikan:

Anekdota

Ito ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawan ng mga pagpaliwanag sa mga ginagawa ng tao.

Mga Elemento ng Anekdota:
Abstrak – ito ay pagpapakilala sa anekdota na nagbibigay ng kinakailangang konteksto.
Oryentasyon — Ito ay naglalarawan sa eksena ng kUwento at pagtukoy kung kailan ito naganap at sino ang mga tauhang sangkot.
Tunggalian — ito ang pangunahin at pinakamahalagang pangyayari ng kuwento na ginagawang katawag-tawag ng pansin at kawili-wili ang anekdota.
Resolusyon – ito ang katapusan at kung paano Humantong sa wakas ng kuwento.
Coda — ito ang hudyat na ang kuwento ay Tapos na at ibinabalik ng tagapagkuwento ang tagapakinig sa kasalukuyan.
Ebalwasyon — ito ay paglalahad ng tagapagkuwento ng mahalagang puntos sa anekdota at ang dahilan bakit ito ay mahalagang ikuwento.

Layunin ng Akda:

Ang layunin ng akda ay  magbigay ng  katatawanan at bigyan ang mambabasa ng mga palaisipan sa bawat tapos ng isang anekdota.


Ito ay tungkol sa kuwento at magbigay ng kawilihan at mag-iwan ng aral ukol sa isang magandang karanasan at sa iilan ay nagsaad din ng personal na karanasan






                     

Teoryang Pampanitikan:

Bayographical – Sa kwento ay may nailalahad na ilang bahagi ng manunulat ay sinasalamin ng akda ang katauhan ng manunulat

Sikolohikal – Dahil sa kwento nagbago ang ugali ng may akda na nagpabago sa ugali nito




Tagpuan ng Akda:





"Sukatin Mo!" 

* ito ay naganap sa isang teahouse. Dito naganap ang usapan ng dalawang tauhan ng kwento na sina MND at ng isang di kilalang tauhan na hindi nabanggit sa kwento.






"Sino ang iyong paniniwalaan" 

*Dito ay naganap sa tarangkahan ng bakuran ni MND. Dito naganap ang usapan nina MND at ang kanyang kapitbahay.








Nilalaman ng Akda:



Ang nilalaman ng akda ay kakaiba sa mga anekdotang nabababasa sa bawat sulok ng mundo dahil sa paggamit nito ng pagka-sarkastiko o pilosopo ng pangunahing tauhan sa kanyang mga kadayalogo.



Tema ng Akda:



Ang tema ng mga anekdota ni Mullah Nasserddin ay nagtatagalay ng mga nakakatawa at pagiisipang mga kuwento nagiiwan ng mga mabubuting aral sa huli. Binubuo rin ito ng isa sa mga di-pangkaraniwang pagkilala sa kasaysayan ng metapisika, isang bahagi ng pilosopiya  na tungkol  sa  pagunawa sa buhay  kaalaman.


Tauhan sa Akda:

Si MND bilang tauhan sa kwento ay may kakayahan magpatawa. Ang kanyang mga sagot sa mga taong nagtatanong sa kanya ay malalalim na sagot na mapapaisip pa ang mga ito. Kapag iyong iintindihin mabuti ang kanyang sagot ay may matutunan na aral.



Buod ng Akda:


Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag  ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon  magpasahanggang ngayon.



Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao.



Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam  ba ninyo ang aking



sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.



Estilo ng May Akda:




Ang estilo ng pag sulat ay masasabing epektibo sapagkat ito ay naging sikat at tinangkilik ng mga mambabasa.

Nakukuha nito ang atensyon at nagbibigay ng kasiyahan sa mga mambabasa nito kaya ito ay isang masasabing masining na akda.




Kaisipang Taglay ng Akda:


Ang kaisipiang taglay o ideyang taglay ng akda sa “Sukatin mo!” ay praktikal.

Mababasa mo sa akda siya ay isang mangkukwento ng katatawanan na ang sinasabi ay pawang kalokohan lamang ngunit pinangangatawanan niya ito sa totoong buhay.

ANG MUNTING PRINSIPE


Ang Munting Prinsipe
Pagkilala sa May-Akda
Si Antoine de Saint-Exupery ay isang Pranses na manunulat,makaata,aristokrata,mamamahayag,at pioneering aviator.Pinarangalan ng ilan sa pinakamataas na literary awards ng France at nanalo sa U.S. National Book
Award.Naaalala siya sa kanyang nobela na Little Prince(Le Petit Prince) at para sa kanyang lyrical aviation writings,kabilang ang Wind,Sand and Stars at Night Flight.Isinulat ni Antoine de Saint-Exupery ang"Ang Munting Prinsipe" upang magbigay ng iba't ibang obserbasyon tungkol sa buhay ng tao at kalikasan.Isinulat niya ang nobelang ito upang ilahad ang mga pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan daan-daang tao ang namatay,nalungkot,at nawalan ng pag-asa ngunit nanatili pa rin ang mga karanasan niya sa kanyang buhay sa nobelang ito.

URI NG PANITIKAN
Ito ay isang halimbawa ng nobela.Ang nobela ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.
LAYUNIN
1.    gumising sa diwa at damdamin
2.    nananawagan sa talino ng guni-guni
3.    mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4.    magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5.    nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
6.    nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
7.    nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
KATANGIAN
1.    pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
2.    dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
3.    pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
4.    kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
5.    maraming ligaw na tagpo at kaganapan
6.    ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyar
7.    malinis at maayos ang pagkakasula
8.    maganda
9.    maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan
ELEMENTO
1.    tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2.    tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3.    banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4.    pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5.    tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6.    damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7.    pamamaraan - istilo ng manunulat
8.    pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9.    simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan
LAYUNIN NG AKDA
   Ang akda ay naglalayong ipaalam sa mambabasa na ang mahahalagang bagay sa buhay ay hindi nahahawakan o nakikita kundi nararamdaman ng puso.
"Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga,puso lamang ang nakadarama"-Alamid



 PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN

1.SAYKOLOHIKAL/SIKOLOHIKAL

-Naipapakita sa akda na ang tao ay nagbabago at nagkaroon ng panibagong behavior dahil may udyok na mabago o mabuo ito.Ipinakita sa nobela na noong una ay ang akala niya na magkakaparehas lang ang mga rosas na nakita niya sa hardin at ang rosas na pagmamay-ari ng prinsipe ngunit sa huli ay nadiskubre niya na bukod-tangi ang kanyang rosas dahil mas mahalaga ito sa kanya sapagkat siya ang dumilig sa kaniyang rosas,tinakpan ng garapon,ikinulong sa pantabing,pinatay niya ang higad sa kanya,sapagkat pinapakinggan niya ito lagi at dahil rosas niya ito.
2.SOSYOLOHIKAL
-Naipapakita ang kalagayan at suliraning panlipunan na kinabibilangan ng may-akda.Nagkaroon ng suliraning panlipunan sa pagsabi ni Alamid na may mga baril at nangangaso ang mga tao at sobra raw silang nakaliligalig kaya nagiging sanhi ito ng kaguluhan sa kanilang lugar.
3.BAYOGRAPIKAL
-Naipapakita ang layunin na ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may akda.Isinusulat ito ni Antoine de Saint-Exupery upang ibahagi ang kanyang mga karanasan,damdamin at emosyon noong ikalawang digmaang pandaigdig.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang lahat ng bagay ay may pakinabang,maliit man o Malaki ito ay may kadahilanan kaya ito ginawa.Lahat ng mga bagay na importante sa'yo at nkapagpapasaya sa iyo ay iyong pangalagaan at ingatan dahil may panahong kayo'y magkakahiwalay.Iparamdam mo sa iyong alaga na mahal mo siya dahil siya ay iyong alaga at kakaiba siya sa lahat na mga bagay sa iyong paligid.
MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
MUNTING PRINSIPE-Siya ay naglalakbay hanggang sa nakapunta siya sa isang daan kung saan nakasalubong niya ang mga rosas,siya ay may bulaklak na kahawig sa mga rosas.Nakasalubong niya rin ang alamid at siya ang nagpaamo sa kanya.
MGA ROSAS-Sila ang bumati sa prinsipe ng "Magandang Umaga" at kahawig nila ang bulaklak ng Munting Prinsipe.




ALAMID-Siya ang bumati sa prinsipe.Siya ay takot sa mga taong may mga baril at nangangaso.Mahilig at paborito niya ang mga manok.Siya rin ang nagbigay ng lihim sa prinsipe.




TAGPUAN/PANAHON

Ang mga nabanggit na tagpuan sa kuwento ay ang mga:
-mataas na bundok
-disyerto
-lugar ng mga tao
-sa hardin ng mga rosas
Ang mga panahon na nabanggit sa nobela ay:
   -alas-tres
   -alas-kuwatro ng hapon






Ito rin ay galing sa bansang Pransiya.Ito ay nai-publish noong April 1943.





NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Ang nobelang ito ay luma na ang mga pangyayaari dahil 1943 pa ito nai-publish.Maayos ang pagkakabuo ng balangkas ng akda at may kaisahan ang pgkakalapit ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas.May mga aral na matutuhan kapag binasa ang akdang ito.Ilan sa mga linyang tumatak sa nobelang ito ay:
"Hindi kita ng mata ang pinakapuso ng mga bagay."
"Ang panahong inaksaya mo sa'yong rosas ang nagpapaging-napakaimportante sa rosas mo."
"Pero hindi mo ito dapat malimutan.Pananagutan mo habampanahon ang 'yong napaamo.Pananagutan mo ang rosas mo..."
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
   Ang kaisipan ng kuwentong"Ang Munting Prinsipe" ay ang pagkakakilala sa iba't ibang ugali ng tao na minsan ay kakainggitan din natin ang kanilang ugali dahil sa iba ang ugali natin sa kanila,naipapakita rin dito na pahalagahan natin ang tao sa ating buhay na magpapayo sa atin at lagi tayong papaalalahanan na lagi silang nandito para sa atin.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Epektibo ang paraan ng pagkakagamit ng mga salita at angkop ang antas nga pang-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda.Sa kabila ng kapayakan ng mga ginamit na mga salita ay nanatiling malalim ang nilalaman at masining ang pagkakagawa ng nobela.Ito ay may mga kahalagahang tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda.Ang manunulat ay gumamit ng mga bagay at hayop tulad ng mga rosas at alamid upang mas maging kaakit-akit itong basahin kaya mahusay ang pagkakalikha ng  nobela.
BUOD
Ang nobela ay tungkol sa paglalakbay ng prinsipe kung saan nakasalubong niya ang rosas at ang alamid.Napaamo niya ang alamid.At sa kaniyang pag-alis,nagpaabot ng importanteng mensahe ang alamid na"Hindi nakikita ng mata ang pinakapuso ng mga bagay","Pananagutan mo ang rosas mo",at "Ang panahong inaksaya mo sa 'yong rosas ang nagpapaging-napakaimportante sa rosas mo."Kaya lahat ng mga bagay na importante sa'yo at nakakapagpasaya sa'yo dahil sila ay pananagutan mo at kaunti lang ang panahong kayo ay magkakasama kaya sulitin na natin ito.