ANG KUWENTO NG BATANG
•HANGO MULA SA”THE STORY OF THE BAD LITTLE BOY”
•HALIMBAWA NG MAIKLING KUWENTO
•MULA SA ESTADOS UNIDOS
•ISINULAT NI MARK TWAIN
•ISINALIN SA FILIPINO NI MARINA GONZAGA-MERIDA
Si Mark Twain ay isang tanyag na manuulat sa bansang amerika .Ang nag-udyok sa
kanya upang ito ay isulat ay para iparating sa atin na hindi lahat ng kuwento tungkol sa
suwail na bata ay magkakaparehas gaya nga dito sakuwentong ito na kabaliktaran ang mga
nangyari sa mga batang suwail sa mga aklat na ating nabasa.Upang ibahagi sa atin na
may ibaibang pangyayari sa buhayng tao at kung paano natin gagamitin ang pagkakataong
binigay sa atin ng Diyos:para gumawa ng kabutihan o mabuhay sa kasamaan at kasakiman.
URI
NG PANITIKAN
Ito
ay isang panitikang tuluyan-
nasusulat sa patalatang paraan.
Halimbawa ng
panitikangtuluyan:alamat,pabula,nobela,at
maikling kuwento.Ito ay
isang halimbawa ng
maikling kuwento.Ito ay maituturing na
sang maikling
kuwento kung ito ay nagtataglay
ng mga natatanging katangian:iisang kakintalan,may
isang pangunahing tauhang may
suliraning lulutasin,may pagtalakay sa madulang bahagi ng buhay,may mahalagang
tagpo,may
mabilis na pagtaas ng kawilihan
hanggang sa kasukdulan na susundan ng
wakas.
LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin ay upang itama amg mga
maling kilos ng mga tao at
upang ipabatid sa atin na
lahat ng mga kasalanang
ginawa ay
laging may kabayaran o parusa.
PAGLALAPAT NG TEORYANG PAMPANITIKAN
Teoryang
Moralistiko(ang layunin ng panitikan ay ilahat ang iba’t ibang pamantayang
sumusukat sa moralidad ng isang tao-ang pamantayan ng tama at
mali).Ang
mga
ibang
bahagi sa teksto na magpapatunay sa sinabing teorya ay ang mga sumusunod:
- Pagnanakaw ng suwail na bata sa susi ng kainan at kainin ang halaya.
- Pagsabi ng kanyang ina na kahit mapilipit ang leeg ng kaniyang anak ay hindi
malaking kawalan sa kanya at laging pagpalo kay pedro upang makatulog ito.
- Pagkuha ng korta-pluma ng kaniyang guro kaya isiniksik niya ito sa sumbrerro ni Jose
upang siya ang mapagbintangan.
Tema o paksa ng akda
Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa
masasamang gawain ni
Pedro na
kahit anong
gawin niya ay hindi man lang siya
naparusahan
hanggang sa lumaki siyang
naging mayaman sa pamamagitan ng
pandaraya at pandarambong,at kapit sa patalim ngunit hindi ito makakatotohanan at
kapani-paniwala
dahil sa totoong
buhay ay may kaparusahan ang bawat na masamang
ginawa.
MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
Ang mga tauhan at karakter sa akda ay sina:
- Pedro
- Ina ni Pedro
- Jose
- Guro
- Ang matanda
Mahalagang makilala nang lubusan ng sinumang manunuri ang mga tauhang gumagalaw
sa akda sapagkat sila ang nagpapatakbo ng salaysay ng kuwento.
TAGPUAN/PANAHON
Ang mga tagpuang pinagganapan ng pangyayari ay:sa
bahay dahil dito siya pinagalitan ng kanyang nanay at
dito rin siya nagnakaw susi sa kainan at kinain ang
halaya;sa puno dahil dito siya umakyat at hinabol ng
aso,at kumuha ng maraming mansanas;sa paaralan
dahil dito siya kumuha ng korta-pluma(penknife) at isiniksik sa sombrero ni Jose; at sa likod
ng bakuran.Umaga at maliwanag ang sikat ng araw ang nakasaad na panahon.
NILALAMAN
O BALANGKAS NG
MGA PANGYAYARI
Ang kuwentong ito ay masasabi nating luma at matagal
na dahil nagkaroon na ito ng
sari-saring at iba-ibang
bersiyon.Magkakaugnay at
may kaisahan ang
pagkakalapit ng mga pangyayari mula simula hanggang
wakas at siguradong may matutunan tayo sa mga
nilalaman ng mga pangyayari sa akda.Ang kuwentong ito
ay mga pangkaraniwang kuwento na tungkol kay
Pedro ngunit kabaliktaran ang mga
nangyari sa kuwentong ito.Hindi nagbago ng
ugali si
Pedro at siya ay
may swerte dahil lagi
siyang nakakatakas at nakakatakas.Ninakaw niya ang susi at kinain ang halaya.Pinuno niya
ang bote ng halaya ng alkitran para
hindi mahalata ng kanyang ina na nabawasan
ito.Umakyat siya at nagnakaw ng mga prutas.Pagkataapos,kinuha ang korta-pluma at
isiniksik niya ito upang si Jose
ang mapagbintangan.Siya ay lumaki,nag-asawa,at bumuo ng
isang pamilya.At sa kasalukuyan,siya ay isang tampalasan sa kaniyang bayan,at
ginalang,at
nagging kasapi ng Kongreso.
MGA
KAISPAN O
IDEYANG TAGLAY NG
AKDA
Huwag nating gayahin si
Pedro na isang
suwail na bata kundi gumawa tayo
ngkabutihan,magingmatapat,at
masunurin.Dapat rin nating igalang ang
ibang tao upang sa ganon ay igalang at
irespeto tayo ng ibang tao.Iwasan nating
gumawa ng kasamaan para
hindi natin ito makasanayan sa ating paglaki para
hindi tayo
matulad kay
Pedro na
nagging mayaman sa pammagitan ng pandaraya at pandarambong.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
- May kapayakan ang mga ginamit na salita at hindi masyadong paggamit ng
malalalim na mga salita.
- Masining ang pagkakagawa ng kuwento.
- Nakakaengganyo ito basahin at madaling maintindihan ang nilalaman ng kuwento.
- Nakakapag-bigay ng aral sa mambabasa
- Angkop ang antas ng pag-unawa ng mga mambabasa sa pagkakabuo ng akda.
BUOD
Ang kuwentong ito ay tungkol kay
Pedro kung saan ang
kanilang mga maling ginawa sa kaniyang kapwa ay hindi
niya pinagdusahan dahil siya ay nakakaligtas lagi hanggang
sa siya ay lumaki na.Hindi naitama ang kanyang masamang
pag-uugali ngunit kabaliktaran ang mga naganap sa mga
suwail na si
Pedro mula sa mga kuwento sa mga aklat.Siya
ay nangakong magbago at
nagging isang mabait na bata.